Kitkat bagay maging co-host sa It's Showtime | Bandera

Kitkat bagay maging co-host sa It’s Showtime

Reggee Bonoan |April 16,2021
facebook
share this

Kitkat bagay maging co-host sa It’s Showtime

Reggee Bonoan - April 16, 2021 - 04:44 PM
“FEELS good and happy to be HOME! Thank u @itsshowtimena for having me today! #kapamilya!” Ito ang Instagram post ni Kitkat Favia nitong Huwebes pagdating niya ng kanyang bahay. Habang sinusulat namin ang balitang ito ay ka-chat namin si Kitkat sa Facebook messenger at ang saya-saya niyang ikinukuwento na ang sarap ng pakiramdam niya ng muli siyang tumuntong sa ABS-CBN para sa guesting niya sa “It’s Showtime” dahil genuine na saya ang naramdaman niya at walang stress. Aniya, “Sarap siyempre (pakiramdam) iba ang komportable at masaya ka. Sabi nga ng lahat iba aura ko. Parang ‘yung tayo pag-uuwi ng bahay natin di ba super komportable at masaya.” Hindi na nag-elaborate pa si Kitkat kung ano ang ibig niyang sabihin na “komportable at masaya siya pag-uwi ng bahay” pero para sa amin ay ito ang paglalarawan niya kumpara noong nasa “Happy Time” pa siya sa NET 25 na lagi siyang stress at laging may kaba sa dibdib sa tuwing nasa studio siya at pag-uuwi naman ng bahay ay masama pa rin ang pakiramdam. Anyway base sa tsikahan namin ay mainit naman siyang winelkam siya ng buong taga-“Showtime.” “Lahat sila winelkam back ako. Cute na cute sila sa outfit ko tapos sabi nga ni mama Vice (Ganda) na namiz ko ang ABS kaya pang malakasan ‘yung sapatos ko hahaha tapos nakakatawa sabi ni mama Vice na paborito kong singer na lalaki ko ‘yung number 3 ang initial daw nu’ng singer J hahaha lahat hula JAYA?  Sabi mama LALAKING JAYA, Jayo hahaha tapos sabi ko KINABAHAN NGA AKO BAKA MABATO AKO NG MIC EH hahaha,” masayang kuwento nito. Sa “Hide and Sing” segment nag-guest si Kitkat kung saan huhulaan niya ‘yung singer na ayon sa kanya ay ang saya-saya ng lahat. “‘Yung Hide and Sing ‘yung ako po huhula nu’ng celebrity singer nahulaan ko po at naging lima ang inayudahan ko kasi tama ako. May tatlo sa Twitter at dalawa sa FB na may tig-5k. Pag tama po ako at nag-tweet sila na may hashtag na #showtimeisessential,” kuwento ni Kitkat. Ang mga premyong ipinamahagi ay galing sa “It’s Showtime”, “Ganu’n po sila pag nahuhulaan ng celeb guest ung Twitter at FB viewers ang may prize. Kung baga parang mag-play ka for the viewers kaya lahat lagi sinasabi sa tweet GO GO KITKAT. Tapos ako po mamimili parang raffle kung sino una ko makita,” paliwanag ng komedyana. At may mga nagsabi ring, “Dami po tweet na BAGAY SI KITKAT SA SHOWTIME.” Anyway, pagkatapos pala niyang mawala sa “Happy Time” ay, “May isa akong dapat taping nu’ng March pa kaso nga nagka-surge may taping naman ako ng tatlong eps ng TBATS (The Boobay and Tekla Show) he hehe kaso ayun nga nagka-surge ang virus so baka sa MAY pa po sila babalik.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending