Heart nag-invest nang bongga para sa mga OOTD sa ‘Sorsogon’; Paolo napiling 2nd leading man

KASADO na ang TV comeback ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista sa pamamagitan ng upcoming GMA series na “I Left my Heart in Sorsogon.”

Kinumpirma na rin ng GMA na nakapili na rin sila ng ikalawang leading man ni Heart sa serye. Bukod kay Richard Yap, makakatambal din niya ang versatile actor na si Paolo Contis.

Excited na ang fans at viewers sa magiging kuwento ng nasabing show at sa mga karakter na gagampanan ng tatlong Kapuso stars.
Siguradong magiging espesyal din ito dahil bukod sa pagbabalik ni Heart sa paggawa ng serye, ito rin ang unang proyektong pagbibidahan ni Richard sa GMA.

Isa lang ang “ILMHIS” sa halos 100 bagong show ng GMA na kailangang abangan ng mga Kapuso viewers sa mga susunod na buwan.

Samantala, asahan din ang pagrampa ni Heart sa nasabing serye suot ang kanyang mga personal clothes at accessories. In fact, isa sa mga pinaghahandaan niya para rito ay ang mga ibabandera niyang OOTDs.

“I’ve been also fixing my wardrobe because my character is almost like me. So lahat ng mga dati kong mga gamit, nilalabas namin sa archive, arranging everything from accessories to everything,” sey ni Heart sa isang online interview.

“I’ve also been doing Chanel vintage shopping. Really I’m investing a lot in my wardrobe for the soap,” chika pa niya.

“I’m working with a lot of brands so I feel that this is the perfect time for us to all get-together and have really nice outfits for this soap. Every scene will be so good so this makes me very excited,” dagdag pang chika ng Kapuso fashion icon.

“Also, I’ve been listening to music. I am such a huge fan of Ben&Ben. I love, love, love their songs, especially the one with Ebe (Dancel),” aniya pa.

Ang tinutukoy ni Heart na nasa kanyang playlist ay ang “Baka Sakali” ng indie-folk band na Ben&Ben featuring Ebe Dancel. I

“I’ve created a playlist for my soap, actually, that would kind of put me in the zone right away. I’m very excited. I’ve never been this excited about a soap. I guess I missed it so much,” hirit pa ng Kapuso star.

Read more...