Ang ensaymada ay isa sa mga paboritong meryenda nating mga Pilipino. Ngunit saan nga ba nanggaling ang ensaymada? Saan ito nagmula? Sino ang nakaimbento nito? Sa Pilipinas lang ba mayroong ensaymada?
Habang naglalakad ako sa lansangan ng Barcelona ay natapilok ako nang nakakita ako ng pastelería na nagbebenta ng ensaymada. At hindi lang basta ensaymada—isang higanteng ensaymada!
At ang tawag nila rito ay ensaïmada, may dalawang tuldok sa titik “i” ang pagkakasulat nito. Nagsisimula ang araw ng mga taga-Barcelona sa pagpunta sa mga granjas para mag-almusal.
Ang karaniwan nilang inoorder ay isang tasang suizo, tradisyonal na inuming mainit na tsokolate na ubod ng lapot at may espumang krema sa ibabaw.
Ang kapares nito ay ang hugis pilipit na ensaïmada na binudburan ng mala-pulbos at pinong-pinong puting asukal. Ang dekadenteng almusal na ito ay nagmula sa Mallorca, sa Isla ng Baleares sa Espanya.
Tulad sa Barcelona, Catalan ang gamit na salita sa Mallorca. Kaya ang ensaïmada ay nagmula sa salitang Catalan, na ang ibig sabihin ay “hinulmangmasa ng arina na ginamitan ng saïm o sebo na galing sa baboy.” Kaya ito naging en-saïm-ada.
Ang ensaymada ay mabibili kahit anong oras o panahon mula sa mga pasteleria at panaderia ng sa buong probinsya ng Cataluña, Valencia at Majorca.
Mula sa Majorca, sa simula ng ika 17-siglo, lumaganap ang ensaymada sa mga teritoryong Espanya sa Latino America hanggang umabot ito sa Pilipinas, na kung saan ay patuloy na ginagawa at tinatangkilik hanggang ngayon.
Maraming klase ng ensaymada. Sa isla ng Ibiza, gumagawa sila ng kakanin o cake na ang tawag ay greixonera, tampok dito ay ang lumang ensaymada na pinipiraso, hinaluan ng gatas at itlogat saka, hinurno.
Maihahalintulad ito sa ating pudding na gawa sa lumang tinapay. Kabilang din dito ang llisa, na para sa mga taga-Majorca ay ang pinakasimple at halos walang sahog ni keso o asukal.
Ang cabell d’anghel, na ang literal na ibig sabihin ay buhok ng anghel ay nagtataglay ng kulay kahel na hibla ng halayangkalabasa na pumapalibot sa loob at labas ng ensaymada.
Ang tallades o literal na malalaking-hiwa ng ensaymada ay may palamang halayang kalabasa at nagtataglay ng tamis-pait na lasa.
Tipikal na handa tuwing mahal na araw, ang ensaymada ay nilalagyan sa ibabaw ng minatamis na krema, o tsokolate at minsan, turron ng Alicante o di kaya sariwang aprikot.
Sa Puerto Rico, ang dating kolonya ng Espanya hanggang 1898 na ngayon ay parte na ng Estados Unidos, Mallorca naman ang tawag nila sa ensaymada. Kaugalian nilang kinakain ito bilang almusal at pang meryenda tuwing hapon.
Sa Pilipinas ay naging bukang-bibig ang ensaymada. Naging popular ito sa mga kadalagahan na nag-aaral ng karunungang pantahanan sa mga kumbento na nasa ilalim ng pangangasiwa ng simbahang Katoliko.
Ang kaibahan lang ng ensaymada na ginagawa sa Pilipinas ngayon ay hindi na ito ginagamitan ng lard o mantika ng baboy. Karaniwan ay mantikilya o margarina na lamang.
Maihahalintulad ang ensaymada ng Pilipinas sa brioche ng mga Pranses. Kahit saang panaderia o bakery sa Pilipinas ngayon ay may ensaymada.
Tuwing sasapit ang panahon ng Pasko at Bagong Taon, ang mga tao ay nahihiligan naitong pangregalo. Lalong-lalo na ‘yung may makremang mantikilya at ginadgad na keso de bola.
(Editor: May tanong, reaksyon o komento ka ba sa artikulong ito? May nais ba kayong ipasulat o ipatalakay sa Bandera? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)
Ensaymada Espesyal
NGAYONG taong ito ay ipagdiriwang ng Maya Kitchen ang kanilang ika-50 taonganibersaryo. Ang Ensaymada ay isa sa mga tampok na resipi na kanilangilalabas sa isang aklat na pinamagatang “Enduring Love, 50 Years of MayaKitchen”.
Ayon kay Rory Subida ng Maya Kitchen, ang klasikong resipi ng ensaymadang ito ay gawa sa minatamis na masa, dinampian ng mantikilya at binudburan ng puting asukal at ginadgaran ng keso.
Ito ang bilugan, malambot, matamis at kinagisnang ensaymada na minahal nating mga Filipino na matagal na panahon.
Ingredients
2 1/4 tsp yeast
1/2 tbsp sugar
1/2 cup warm water
4 egg yolks
1/2 cup sugar
1/4 cup milk
1/2 teaspoon salt
1/2 cup melted butter
3-3 1/2 cups MAYA All Purpose Flour
melted butter for brushingsugar for dusting
grated cheese
Procedure
Dissolve yeast and sugar in half of the water. In a bowl, combine the remaining water, eggyolks, sugar, milk, salt, melted butter and half of the flour.
Stir in yeast mixture.
Mix until dough leaves sides of the bowl.
Transfer dough to a floured surface.
Add more flour as you knead the dough until it is smooth and elastic.
Put dough in a greased bowl, cover and let rise until doubled.
Brush ensaymada moulder with butter.
Set aside.
Divide dough into balls weighing about 50-60 grams each (for regularensaymada) or 30 grams (for mini ensaymada).
Roll out each portion very thinly into a rectangle.
Brush with butter then roll as in jelly roll into long rope.
Hold one end of the rolled dough between your thumb and two fingers.
Tuck in the end under.
Put coiled ensaymada on moulders. Do the same for the rest of the dough.
Cover and let rise until light. Brush tops with melted butter.
Bake at 375F until golden brown.
Ang ensaymada nina Mama Pat at Baby Pat
ISA sa mga natikman kong masarap na ensaymada noong ako ay bata pa ay ang ensaymada ni Aling Pat Macalindong sa Cavite City.
Natatandaan ko pa ang puwesto nila sa palengke ng Cavite City at ang susong-susong na ga-toreng ensaymada na hinahatid ng bisekleta.
Pino, malambot na parang bulak ang ensaymada ni Aling Pat, bukod pa sa mantikilya, meron itong budbod na asukal at ginadgad na keso.
Nakakalungkot dahil nagsara na ang tindahan ni Aling Pat may anim taon nang nakakaraan. Ngunitnatuwa naman ako dahil noong isang taon, natuklasan ko na ang anak ni Aling Pat Macalindong ay pinagpatuloy ang paggawa ng ensaymada.
Si Pearl Macalindong De Guzman ay ang tanging tagapagmana ng talento ni Aling Pat sa kusina. “Kapag nagbe-bake ako, lagi kong naaalala ang aking ina.
Siya ang nagsimula ng aming bakeshop sa Cavite City at nandoonako parati sa kanyang tabi at tumutulong. Kaya nang itinatag ko ang Baby Pat’s, isang home-based bakeshop sa SantaRosa, Laguna, naging inspirasyon sa akin ang kanyang ala-ala upang ipagpatuloy ko ang kanyang pamana.
Ipinangalanan ko ang aking negosyo sa aking ina at sa dalawa kong anak: sina Patrice at Patrick,” ani Pearl.Natatangi ang ensaymada ng Baby Pat’s dahil mahilig mag-eksperimento si Pearl gamit ang iba’t ibang resipi.
Sinisigurado rin niya na ang kanyang ensaymada ay gawa lamang sa mataas na uri ng sangkap. Subukan ang iba’t bang flavor ng Baby Pat’s.
Mayroon silang Classic Butter and Cheese, Tablea Tsokolate, Speculoos and Nutella, Strawberry at Ube. Maaaring umorder sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono (02) 7751231, at pag text sa 09239759777, o magpadala ng mensahe sa Facebook:www.facebook.com/mybabypat.