MUKHANG hindi naman bothered si Paolo Bediones sa mga nagrereklamo laban sa kanya dahil late ang pagpapasahod niya sa mga kinuha niyang staff for a project with the Department of Education.
Ang chika sa amin, bago niya kinuha ang staff ay pinagsabihan na niya ito na male-late ang kanilang sahod dahil late magbayad ang DepEd. Maaga pa ay inabisuhan na niya ang mga tauhan kung gusto pa rin nilang magpatuloy kahit na delayed ang suweldo nila. Umoo naman daw ang mga tauhan niya kaya naman akala niya ay okay na.
To his surprise, may mga umangal at nag-ingay sa social media na delayed ang suweldo ng mga staff. Doon siya medyo nagulat kasi ang akala niya ay ayos na ang lahat. Hindi naman niya tatakbuhan ang kanyang mga bayarin, naghihintay lang siya ng pondo mula sa DepEd.
Anyway, may isa na palang anak si Paolo sa dyowang si Lara Morena. It’s a baby girl at hindi pa yata ito nasusulat.
Ang alam namin, last year pala dapat ang kasal nina Paolo at Lara kaya lang ay na-postpone dahil na rin sa pandemic.
* * *
May sorpresang birthday shoutouts ang “Just Love Kids” website ng ABS-CBN para sa mga bata sa pagdiriwang ng kanilang kaarawan sa kani-kanilang tahanan.
Dating napapanood sa YeY channel, digital na ang “Happy BirthYeY” o buwanang birthday greeting para sa mga batang may edad 12-anyos pababa. Maaaring mag-register ng maaga para siguraduhin na kasama ang inyong mga anak sa espesyal na pagbati.
Samantala, bahagi na rin ng “Just Love Kids” playlist ang video lesson series para sa Elementary English na “Ready, Set, Read.” Tampok sa bagong programa ng Knowledge Channel ang rhymes, sayaw, graphics, at animation na base sa Most Essential Learning Competencies (MELC) at Teacher’s Guides ng DepEd.
Mapapanood sa “Ready, Set, Read” sina Joji at ang kanyang mga kaibigang hayop na sina Mark (butiki), Ogot (kambing), Cathy (pusa), at Nene (salagubang) na may adventure araw-araw para madiskubre ang iba’t ibang konsepto ng wikang Ingles.
Isa sa digital ventures ng ABS-CBN ang Just Love Kids na may libreng streaming on-demand ng mga bago at minahal na Kapamilya programs para sa kaalaman, libangan, at paglalaro ng mga bata.
Bisitahin na ang Just Love Kids sa justlovekids.abs-cbn.com.