Sino kina Julia, Charlie at Janine ang bagay gumanap na kabit sa Pinoy version ng ‘Doctor Foster’?

KASABAY ng announcement ng ABS-CBN tungkol sa Philippine adaptation ng “Doctor Foster”, lumabas ang balitang si Charlie Dizon daw ang gaganap na kabit sa serye.

Mula nang ibandera ng Kapamilya Network na sila ang nakakuha ng rights para sa Pinoy version ng nasabing hit drama series, naglabasan din ang mga ispekulasyon kung sinu-sino ang bibida rito.

Ang “Doctor Foster” ay mula sa BBC Studios na nagkaroon na rin ng iba’t ibang version sa ibang bansa, kabilang na ang “The World Of The Married” ng South Korea. Ang Tagalized version nito ay ipinalabas na rin sa ABS-CBN.

Ang bali-balita, si Judy Ann Santos daw ang napipisil na gumanap sa karakter ng legal wife habang si Piolo Pascual naman ang isa sa choices para maging asawa ni Juday.

Para naman sa karakter ng kabit, nabanggit ang pangalan ng 4th EDDYS Best Actress na si Charlie Dizon pati na sina Janine Gutierrez at Julia Barretto.

Kaya naman sa virtual mediacon para sa launching ng Star Magic summer workshops 2021, kung saan isa si Charlie sa mga panelist, natanong ang dalaga tungkol dito.

Ani Charlie, “Actually, wala pa talaga sa akin nasasabi na ganoon. Nagugulat na lang din ako sa mga balitang lumalabas. Pero wala pa talaga.”

Ngunit kung sa kanya raw io-offer ang project, walang arte-arteng “Of course,” ang kanyang sagot. Napanood din daw niya ang South Korean version nitong “The World of the Married” kaya alam niyang napakaganda ng kuwento nito.

Kasabay nito, ibinalita ni Charlie na pagkatapos nga ng kanyang back-to-back best actress awards para sa pelikula nila ni Paulo Avelino na “Fan Girl” sigurado na raw ang dalawang bagong project niya sa ABS-CBN — ang drama series na “Viral” at ang iWant TFC original na “My Sunset Girl.”

Natanong din ang aktres kung game na ba siyang gumawa ng mas mature at daring projects, “Opo, honestly. Napag-uusapan naman iyon kada project at depende naman talaga sa material. Iyon ‘yung tinitingnan talaga. Hindi ako maarte sa pagtanggap ng roles.”

Samantala, isa si Charlie sa mga nagpatotoo kung gaano kalaki ang naitulong sa kanyang career ng Star Magic summer workshop.

“Doon ko napa-practice ‘yung mga skills na meron na ako, at doon ko nalalaman ‘yung mga skills na wala pa ako. Iyon ang importance ng workshop – mas makikilala mo ang sarili mo,” aniya.

In fairness, ilang taon ding naghintay ang dalaga bago niya narating ang kinalalagyan niya ngayon, “For me, ‘yung tagal ng time na nakapasok ako, iyon ‘yung naging fire ko para mas pagsipagan pa, at para mas may mapatunayan, para rin mapansin.

“Doon mo mari-realize sa workshop kung gusto mo talaga ang ginagawa mo, kung hanggang saan ang kaya mong ibigay. Sana iyon din ang ma-realize ng mga nangangarap katulad ko, na kailangan lahat, pinagsisipagan,” lahad pa ng Kapamilya best actress.

Samantala, ngayong taon nga pagkatapos niyang mag-renew ng  contract sa ABS-CBN Star Magic bilang head ng Artist Training and Workshops, ilo-launch na nina Direk Rahyan Carlos ang all online workshops for Acting, Dance, Voice and Tagalog.

Direk Rahyan is the only certified Chubbuck Technique acting teacher behind the training of some of the most sought-after and award-winning actors of today such as Christian Bables, Coco Martin, Julia Barretto, Jake Cuenca, Anna Luna, EJ Falcon, Alora Sasam, Ynna Asistio, Roco Nacino, Sandino Martin, Arjo Atayde, Paulo Avelino, Joshua Garcia at Charlie Dizon.

Compared to other trainings, Star Magic Workshops are not only comprehensive –they are also exclusive to only a limited number of participants.

Since all training will be done via Zoom App, the teachers will be able to focus on each student’s progress.

The adult acting classes are still handled by Carla Martinez and Rubi Rubi along with Lynnette Conception and Air Paz Pablico, while the kids’ acting classes are still handled by Edna Mae Landicho and HB Benitez.

The dance classes are divided into three different genres namely jazz funk, hiphop and urban led by Nesh Janiola III of Axis, Brion Lim of Manouvres Ignite and Geejay Romano, respectively.

Meanwhile, the voice classes are still going to be led by Philippine Madrigal Singer alumni, Luningning San Jose, Julie Anne Reyes and Roland Roldan.

Those who aspire to be trained by professional and practicing teachers in acting, dance, voice and language are all welcome to join the workshops.

Enrollment is ongoing, and all classes will start in May. This will be on a first come, first serve basis.

Go lang kayo sa https://www.facebook.com/Starmagicworkshops o @abscbnstarmagicworkshops, click the google document link attached in the post and fill up the information as needed.

Wait for our email for the scheduled date of orientation. After the orientation, you will be given instructions on how to pay your workshop fee. You can also email us at starmagicworkshops@abs-cbn.com or text or call us at +639493975417.

Read more...