Vice: Ayoko nang bumalik sa paghihirap, hello! Nagbabad na ako du’n nang bongga!

MALAKING tulong sa TV host-comedian na si Vice Ganda ang extra income na kinikita niya mula sa pagba-vlog sa YouTube.

Siguradong malaki-laki na rin ang ipinapasok na pera sa kaban ng yaman ni Vice ng pagiging vlogger niya ngayong umabot na sa 5 million ang kanyang subscribers.

“I was just super happy the moment it became five million. Kahit nu’ng two million, three million, yung pag may milestone siya na ganu’n ang saya saya pero it was a bigger celebration kasi lagi siyang nangyayari pag may mahalagang date katulad nitong nag-five million siya nu’ng birthday ko so double celebration,” pahayag ni Vice sa isang interview para sa kanyang endorsement.

“So, ang saya kasi nga siyempre sa TV dahil wala na kaming free TV, walang ratings. Wala ng na-apply na ratings sa TV hindi katulad dati alam mo kung maraming nakakanuod sa iyo kasi may ratings.

“So, since wala ng ganu’n hindi ko na alam kung gaano karaming tao ang interesado pa sa akin. Or kung gaano pa kalawak ko na-se-serve yung purpose ko,” paliwanag ng Phenomenal Box-Office Star.

“Kasi the moment ABS-CBN lost its franchise, wala na kaming platform and I was told by the management that it is your obligation to reach out to your audience whatever happens.

“So, since walang TV anong paraan? So the only way na patok nung panahon na yun is yung mga online shows. So, kailangan mo siyang pasukin so pinasok ko yung YouTube.

“Tapos nu’ng lumalaki yung following nakakatuwa kasi nga dun ko na-ri-realize na ay marami pa ring may interes sa akin,” patuloy pa niyang chika.

Aniya pa, “Tapos du’n ko nase-serve yung purpose ko na kailangan kong i-serve. Kasi this pandemic cannot stop me from serving my purpose. Kasi kung ganun lang naman, ano pang siste ng buhay kung wala kang sini-serve na purpose, di ba?

“Aside from that, I don’t want to be a hypocrite, mas maraming subscriptions, mas kikita yung channel ko, di ba? Kahit may ipon naman ako kailangan ko kumita kasi mauubos yung ipon ko.

“Ayoko nang bumalik sa paghihirap. Hello! Nanggaling na ako du’n. At nagbabad na ako du’n nang bongga. So ngayon nasa ganito akong posisyon, hindi ko puwedeng pabayaan yung kung anong meron ako, kailangan ko pangalagaan yung estado ng buhay ko. Kailangan ko pa rin kumita,” diin ni Vice.

Mensahe pa niya sa lahat ng mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya, “Some people are trying to survive, some people are surviving, and some people are thriving after they survive.

“So, nandu’n tayo sa ganu’ng stage so maraming, maraming salamat sa mga subscribers ko dahil hinahayaan niyo akong patawanin pa rin kayo, aliwin kayo sa ganitong panahon, at the same time nagkakaroon rin ako ng extrang hanapbuhay.

“Kaya give and take, hindi naman puro give lang ng give or take lang ng take. Kumbaga palitan tayo ng magandang nabibigay sa isa’t isa,” lahad pa ng Kapamilya comedian.

Read more...