NAGPASABOG ng good vibes at katatawanan ang tinaguriang Bossa nova Queen ng Pilipinas na si Sitti nang dahil sa kanyang Facebook post tungkol sa hunk model-actor na si Jon Hall.
Nagbahagi kasi ang singer ng isang nakakaaliw na kuwento nang yayain siya ng isang kaibigan na makipag-date kay Jon Hall ilang taon na ang nakararaan.
Sa kanyang Facebook post ngayong araw, April 14, sinabi ni Sitti na hindi siya pumayag na makipag-date sa dating hunk model hindi dahil sa isang nakakalokang rason.
“True story,” ang simulang pahayag ni Sitti sa kanyang FB post.
Aniya pa, “Back in 2012, @docbistek, husband of my good friend and fellow singer @princessvelasco, wanted to set me up on a date with Jon Hall.
“Me, laughing: ‘Oh no, we can’t be Steak!’ (Tawag niya kay Princess Velasco).
“Steak: ‘Why? He is kind, handsome, intelligent.’ etc etc.
“Me: ‘It’s really not possible because if we end up together, MY NAME WILL BE SITTI HALL! That’s why it’s really not allowed, Steak! Not really!
“Bistek (Princess) is so scratched and then said: ‘Oh yeah right!'”
“Also, Jon Hall probably doesn’t know that Bistek planned something like this,” dagdag na hirit pa ng singer.
Aliw na aliw naman ang mga followers ni Sitti o Sitti Katrina Navarro sa tunay na buhay sa kanyang kuwento.
Kaya naman nagsunud-sunod agad ang mga nakatutuwang memes tungkol sa singer at sa iba pang OPM artists na walang apelyido ang screen o stage name tulad nina Kyla, Jaya, Karylle at Nina.
Kanya-kanyang paandar ang mga netizens, tulad ng “Sitti Scan”, “Sitti Utsu Nuivi”, “Nina Bonnevie,” “Nina Natuto”, “Kyla Jenner,” “Jayatabs,” “Jaya Jaya”, “Karylle Yenong Bangus” at marami pang iba.
Kayo dear BANDERA readers, may maiko-contribute pa ba kayo?