Vice awang-awa kay Ion matapos mapilayan sa badminton; sinorpresa ng bagong ‘laruan’

NAGPAKITA ng matinding concern ang “It’s Showtime” main host na si Vice Ganda sa kanyang dyowang si Ion Perez matapos itong mapilayan habang naglalaro sila ng badminton.

“Today is not a very good day kasi si Ion na-sprain kahapon. Nagba-badminton kami sa labas tappos na-twist niya ‘yung ankle niya.

“So, hindi siya makalakad. Namamaga ang paa niya tapos nakabenda tapos nakasaklay siya.  Kahapon pa lang malungkot na siya,” say ni Vice Ganda sa kanyang YouTube vlog yesterday.

“Kanina paggising ko, tahimik lang siya. Nandoon lang siya sa sulok, sa favorite area niya sa sala.

“Naawa ako kasi si Ion, siyempre ang buhay lang niya ay magbisikleta, o kaya sa gym niya, workout-workout. Eh kas inga, ‘di ba ECQ, hindi siya nakakalabas. So yun lang ang happiness niya, magbisekleta or mag-badminton kami or mag-workout.

“Since may pilay siya, namamaga ang paa niya, may saklay siya, matatagalan na hindi siya makapagbisekleta  or makakapag-motor kahit sa labas lang ng bahay namin o kaya makakapag-workout. Hindi na siya makakapaglaro ng badminton sa amin.

“Naawa ako kasi wala siyang magawa. Alam kong nalulungkot siya lalo na ngayong ECQ, ang daming pinapatay na kabagutan.  Mahirap din labanan ang boredom kasi  mentras bored ka mas pumapasok ‘yung stress, ‘yung anxiety, nade-depress.  Ayokong ma-experience iyon ni Ion. Ayokong maging malungkot talaga siya. Ayokong magka-anxiety siya,” say ni Vice Ganda.

Para maibsan ang boredom ay naisip ni Vice Ganda na bigyan ng regalo ang dyowa.

“Gusto ko siyang libangin so meron akong sorpresa sa kanya para hindi siya mabagot. Although hindi naman siya mahilig dito, malay mo naman, makahiligan niya at mas mag-enjoy siya,” say niya.

Inabangan ni Vice Ganda ang PS5 na regalo niya kay Ion. Pinuntahan niya si Ion na nakatulog sa semento  sa loob ng sala. Tuwang-tuwa si Ion sa kanyang  bagong laruan. Sa loob ng kuwarto, in-unbox ni Ion ang regalo ni Vice.

* * *

Mula sa paglilingkod sa radyo at cable TV, naghahatid na rin ng impormasyon, inspirasyon, at saya ang ilang TeleRadyo anchors sa digital.

Napapanood na rin ang mga batikang brodkaster na sina Ahwel Paz, Coach Harris Acero, Dra. Luisa Ticzon Puyat, May Valle-Ceniza, Stargazer, at Winnie Cordero sa  FYE Channel sa Pinoy community platform na kumu.

Showbiz balita at mga panayam sa artista ang hatid ni Ahwel sa “Kumu Star Ka” tuwing Miyerkules at Linggo ng 3 p.m.. Libreng konsultasyon at payong medikal naman ang handog nina Dra. Luisa at Coach Harris sa “Kumunsulta” tuwing Lunes ng 9:30 p.m., tulad ng gawain nila sa programa nilang “Your Daily Do’s” sa TeleRadyo.

Samantala, tuloy-tuloy naman ang diskusyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay sa “Tita Talk” tuwing Huwebes ng 9 a.m. kasama sina Winnie Cordero at May Valle-Ceniza, na magkasangga rin sa “HaPinay” show ng TeleRadyo. Sa kumu rin nagbabalik ang sikat na programang “Pinoy Vibes” ni Stargazer, kung saan tinatalakay ang mga bagay na paranormal at naghahatid ng ibang klase ng life coaching kada Linggo ng 8 p.m..

Abangan sina Ahwel Paz, Coach Harris Acero, Dra. Luisa Ticzon Puyat, May Valle Ceniza, Stargazer, at Winnie Cordero sa kumu. I-download ang app sa Google Play o App Store at i-follow ang FYE Channel.

Read more...