Ai Ai nagluto ng manok nang naka-2-piece bikini; bakasyon nila ni Gerald sa Bora napurnada

PITONG taon nang magdyowa ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas at mister nitong si Gerald Sibayan.

In fairness, hindi rin naging madali para sa mag-asawa ang mga unang taon ng kanilang pagsasama, lalo na ang hinarap nilang pangnenega ng mga bashers na nagsabing hindi rin daw magtatagal ang kanilang pagsasama.

Ngunit pinatunayan nina Ai Ai at Gerald na totoong mahal nila ang isa’t isa hanggang sa magpakasal na nga noong 2017. At hanggang ngayon ay isine-celebrate pa rin nila ang unang araw nang maging magdyowa sila.

Sa pamamagitan ng isang TikTok video, binati ng Kapuso actress si Gerald sa ika-7 nilang anibersaryo. Aniya, “Habang buhay kitang mamahalin. Maligayang 7 taong pagsasama aking darling, literal na maligaya. @gerald_sibayan.”

Nag-post din si Gerald ng mga sexy photos ng asawa sa kanyang social media accounts na may mensaheng, “Happy 7th Anniversary may forever date I Love You so much darl.”

Dahil naman sa muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa ilang bahagi ng bansa ay hindi natuloy ang bakasyon sana ng mag-asawa sa Boracay para sa kanilang 7th anniversary kahapon.

Sa bahay na lang nag-celebrate sina Ai Ai at Gerald at nagluto na lamang sila para sa kanilang handa.

“Ngayong pandemya, mas minahal namin ni Gerald ang isa’t isa dahil ito ang realization namin na pinakamahalaga sa panahon ngayon at lalong kumapit sa Panginoong Diyos dahil Siya ang sandalan namin ngayon,” pahayag ng komedyana sa isang panayam.

Samantala, nagkaroon uli ng time si Ai Ai na makagawa ng bagong content para sa kanyang YouTube Channel, na may pamagat na “C.H.I.N” o “Cooking in the House ng Ina N’yo”.

Dito, nag-share siya ng recipe para sa kanyang two-piece butter milk chicken. Pero ang twist sa video niya ay ang pagsusuot niya ng two-piece bikini habang nagluluto para raw mas dumami pa ang kanyang subscribers.

Read more...