NAGDADALAWANG-ISIP man, nagdesisyon pa rin ang Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo na ibahagi ang pakikipaglaban niya sa COVID-19.
Dito, napatunayan ng dalaga na COVID is real at talagang napakahirap at nakakatakot daw ang pinagdaanan niya nang tamaan ng killer virus.
Idinetalye ng youngstar at bida sa Kapamilya series na “Bagong Umaga” ang kanyang COVID journey sa pamamagitan ng vlog para mabigyan ng idea ang kanyang mga tagasuporta kung ano ang pinagdaraanan ng isang taong nahawa ng virus.
“I don’t know if I’m ready to share this with you guys, it’s too personal. But just in case. A few hours ago ko lang nalaman yung resulta ko.
“Symptoms, I’m feeling weak and I’m having headaches. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa iba. I don’t know what is happening. Naka-quarantine din kami,” simulang pahayag ni Heaven.
Kuwento pa ng dalaga, bago niya nalaman na nahawa siya ay nasa isang hotel siya kasama ang iba pang cast ng “Bagong Umaga” kung saan sila naka-quarantine matapos ang lock-in taping.
Kasunod nito, umuwi na siya ng bahay kung saan ipinagpatuloy niya ang self-isolation.
Pagpapatuloy niyang kuwento, “Pagkagising ko kaninang morning, it was so difficult to breathe. Parang ang bigat-bigat ng puso ko.”
“One of the toughest challenges I have dealt with during this pandemic is personally getting tested positive for coronavirus,” aniya pa.
“After consulting with my doctor and talking to my family, we have decided to go to the hospital. Thankfully, we found a hospital and ABS-CBN provided us with an ambulance,” pahayag pa ng aktres.
Nais nga raw niyang ibahagi ang experience niya sa paglaban sa COVID, “hoping that it will help everyone who is going through the same situation to cope with and recover from this difficulty.”
Inamin din niya na nakadagdag sa nararamdaman niyang takot at lungkot ang mga nababasa niyang kanegahan sa social media kaya kailangang mas maging matatag ang kanyang kalooban at pananampalataya sa Diyos.
“Words, even if they are not true, they still affect you. Naapektuhan pa rin ako. There is nothing wrong with being hurt, there is nothing wrong with being sad. Pero ‘yun lang siguro, your will to live. Dapat hindi tayo nawawalan ng will to live,” ani Heaven.
Nagbahagi rin siya ng mensahe bilang isang COVID survivor, “Sa lahat ng nangyari sa akin within these past few days, natutunan ko du’n, is how to you rise up, I think that is one thing I’m looking forward to.
“To everyone else, this video is to provide awareness that COVID is real and it should be taken seriously. I am now a COVID-19 survivor. Sending my love & prayers to everybody going through these difficult times,” dagdag pang pahayag ng Kapamilya star.