“May something about her aura, and meron siyang charm na very relatable. You know, magaling siyang speaker, strong ‘yung story niya.
“I think those are her edge na malaki ang chance natin sa Miss Universe this year,” pahayag ni Ms. O na isang lisensiyadong aesthetician na naka-base sa Los Angeles, California, USA kung saan itinayo niya ang SkinCare & O Skin Med Spa (noon pang 2011).
Dagdag pa niya, “I was able to interview her prior pa siya sumali sa Miss Universe, bago pa siya manalo sa Miss Universe Philippines. So now, ibang-iba na siya, na-groom na, na-train na, ang galing magsalita, ang galing mag-ayos. Ang laking improvement so I’m excited to meet her again.”
Sa tingin ni Ms. O ay strong contender din si Amanda Obdam ng Thailand sa nasabing international pageant, “Miss Thailand, I think she’s like ano, e, umiingay talaga siya sa pageant ano. Ang dami din nilang fans.”
Isa ang kompanya ni Ms. O sa mga napiling partner ng Miss Universe 2020, “I am so blessed because it is a trusted pageant. ‘Yung idea na ipagkatiwala sa ‘yo ang skin care ng 80 plus candidates is a big thing for me. Excited na ako,” masayang kuwento ni Miss Olivia.
Pangalawang taon na ngayon na kinuha ang SkinCare & O Skin Med Spa bilang official skin care sa 69th Miss Universe na gaganapin sa May 16, 2021 (May 17 sa Manila) sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.
Nauna ang partnership noong Miss Universe 2019 na pinanalunan ni Zozibini Tunzi mula sa South Africa na ginanap sa Atlanta, Georgia.
Siya rin ang kinuhang official skin care partner sa nakaraang Miss USA at Miss Teen USA pageants 2020.
Aniya, “I am also proud to be a Filipino who was able to dream big and reach this far pagkatapos ng maraming failures.
“Tayong mga Pinoy known naman talaga sa beauty, tayo pa ang magpapaganda sa kanila.
“Imagine ang daming brands na puwedeng i-consider, ang daming gustong pumasok, tayo pa ang napili. They’re really very picky when it comes to partners,” sabi pa niya.
Sa Cerritos California nakatayo ang SkinCare at Med Spa ni Ms O kung saan maraming miyembro ng Filipino-American community ang pumupunta kapag nasa vicinity sila at kasama na ang local celebrities natin na sina Angel Locsin, Ruffa Gutierrez, KC Concepcion, Claudine Barretto, Venus Raj, Shamcey Supsup, Pia Wurtzbach at iba pang ex-beauty queens.
At dahil mahigpit ang health protocols ay nagpabakuna na si Ms. O kasama ang husband niya, bago pa na-renew ang partnership nila ng Miss Universe.
“We had Pfizer vaccines last month. We will also follow all pageant health protocols in Miami, including undergoing COVID tests and complying with quarantine rules,” aniya pa.
Nasa USA na rin si Rabiya ngayon kung saan sila magkikita ni Miss Olivia para sa pre-pageant activity ng pageant, kasama rin si Miss El Savador Vanessa Velasquez para sa filming ng SkinCare & Med Spa.
“Some of the Miss Universe (candidates) na nagdadatingan na papunta sa Miami, Florida, nag-stop over na ngayon sa L.A. and kino-contact na nila ako para simula na namin ‘yung mga beauty treatments namin para sa kanila,” dagdag pang pahayag ng beauty guru.
At bago ang coronation night ay may beauty regimen session si Miss Olivia sa mga kandidata.
At dahil mahigpit ang pagpapatupad sa COVID-19 health protocols ay 25% lang ang live audience sa grand coronation night at may ticket-selling para sa pageant, at ang mga miyembro ng audience na manonood ay iho-hold sa isang bubble sa hotel bago ang grand coronation night.
“Every day meron silang tinatawag COVID-19 protocol na may kinuha silang agency, na ite-test kami, lahat kami, ang mga mag-aalaga sa mga delegates for I would say, every day daw yung swab test namin.
“Du’n pa lang, mahigpit na mahigpit na sila because they will place us in a bubble sa hotel,” dagdag niya.
Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay nagkita at nakilala na ng personal ni Ms. O si Miss Chile Daniela Nicolás.
“I was one of the panel of judges sa Miss Chile. I’m excited to meet ‘yung winner because I was one of the judges, ‘yung sa scoring, kaya she’s one of the winners.
“Excited din ako to meet Miss El Salvador. Para siyang Barbie doll, as in literally parang Barbie doll so I wanna see her in person at si Maria Thattil ng Australia.
“I heard meron daw Miss Australia na she said, ‘Height doesn’t matter.’ Meron siyang storytelling na sabi niya, she’s not that tall pero sabi niya, ‘It doesn’t matter what’s your height, what’s your size, what’s your shape, you can always be a Miss Universe.’ So I’m excited kung ano yung personality niya when I meet her,” kuwento pa ni Miss Olivia.