Sharon pinipilit si Kiko na magpakulay ng buhok: Hindi ko matatanggap na katabi ko lolo... Bandera

Sharon pinipilit si Kiko na magpakulay ng buhok: Hindi ko matatanggap na katabi ko lolo…

Reggee Bonoan |April 11,2021
share this

Sharon pinipilit si Kiko na magpakulay ng buhok: Hindi ko matatanggap na katabi ko lolo…

Reggee Bonoan - April 11, 2021 - 03:29 PM

ALIW na aliw kami sa mga biruan ng mag-asawang Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta kahit nasa harap sila ng kanilang mga anak.

Inamin ng senador kay Mega na “galisin” siya noong bata kaya naman tawang-tawa ang kanyang wifey dahil parang ipinagmamalaki pa raw nito ang kanyang galis.

Kuwento ni Sen. Kiko, “Habang nanonood kami ng ‘Lord of the Rings’ at gusto ni Sharon si Legolas ako naman nu’ng bata si Legalis (tawa naman nang tawa ang asawa at ang mga anak).”

“Kaya nga ikaw ang pinakasalan ko, eh,” masayang sabi naman ni Shawie sa ipinost niyang video sa Instagram.

Medyo bumatang tingnan ngayon ang Megastar dahil ang laki ng ibinawas ng timbang niya at sinabihan niya si Kiko ng “Sweetheart, i-dye mo naman ‘yung hair mo.” Kasi nga ang dami ng gray hair ng senador.

Sabi naman nina Frankie at Miel, “I like it.”

Sagot ng daddy ng magkapatid, “Okay lang baka ma-COVID pa ako sa kaka-dye.”

Katwiran ni Sharon, “Yeah but pag nagkaapo kasi tayo hindi ko matatanggap na katabi ko lolo.”

Hirit ni Frankie, “But daddy looks mature and refine.”

Hirit ni Sharon, “Dignified!”

Sabi naman ng senador, “Siguro pag 65 na ako (magpapa-dye).”

Mabilis na sagot ni Sharon, “Pag 65 ka na DOM (dirty old man) na.”

Yan ang naging takbo ng usapan ng mag-anak pagkatapos nilang kumain habang nakatayo na si Sharon at sinasalinan ng red wine ang wine glass ng asawa.
Samantala, ipinost din ni Sharon ang larawan ng ulam na inorder ng asawa niya kay Pokwang.

Caption dito ng aktres, “Kiko ordered regular chicken and spicy chicken from @itspokwang27 via IG! Nakita lang niya sa feed ni Pokwang kaya naisip nyang umorder kasi mukha daw masarap. Sabi pa daw niya, ‘Babayaran namin ito ha kasi business mo ito.’

“Tulungan lang talaga dapat ngayong panahon ng Covid! At napakasarap, moist at juicy naman ng luto ni Pokwang di naman nagkamali itong asawa kong supportive samin ni Keanu (Reeves)! Lam niya kasi siguro di naman ako papansinin nun. Hahahaha! Thanks so much, Pokwang! Kakamiss ka! God bless you & your family and lots of love always!”

Sagot naman ng komedyana, “Yaaaaaay! thank you madam mega @reallysharoncuneta and sen @kiko.pangilinan salamat po sa suporta po and God bless sa buong pamilya (heart emoji) yaayyy kinikilig ako! Waaaaaaa.”

May mga pumuri rin kay Pokwang tulad ni @rosaliearienda, “@itspokwang27 I’ve watched you cooked numerous times, your technique at ‘yong process ng pagluluto always made sense in a way na enhance ‘yong lahat ingredients, bukod sa pagmamahal of course. Hoping we can buy your preserved products here in TO.”

Say naman ni @gens_lea06, “Try nyo din po @pokleefoodproducts laing nila ma, super sarap po.”

Comment ni @georgiazaragoza_ sa asawa ng Megastar, “Very supportive husband! Pangilinan ka pa rin daw kasi Ma. hahaha.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending