AMINADO ang Queen of All Media na si Kris Aquino na may kasalanan din siya kung bakit nadadamay ang dalawa niyang anak sa pambabatikos sa kanya ng ilang bashers.
Ayon sa TV host-actress, kahit anong gawin niyang pagprotekta at pagdepensa kina Joshua at Bimby, hindi basta mawawala o matatapos ang pambu-bully sa mga ito sa social media.
Kaya naman nagdesisyon si Kris na lilimitahan na ang pagpo-post sa social media tungkol sa mga kaganapan sa buhay nilang mag-iina. Aniya, baka sa pamamagitan nito ay maiwasan na rin ang pambabastos ng mga haters at trolls kina Josh at Bimby.
Sa kanyang official Facebook at Instagram account, muling nagbigay ng mensahe si Tetay para sa lahat ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanyang pamilya, pati na rin sa mga bully sa socmed.
“I’m partly to blame kung nadamay man mga anak ko. I’m taking full responsibility.
“I can never shield them fully because from the time they were born, I was already Kris but I can choose what I can show you,” bahagi ng pahayag ni Kris sa in-upload niyang video sa FB at IG.
Sey pa ng award-winning TV host, mag-post siya sa socmed ng mga ganap sa buhay nila tulad ng ginagawa ng mga “regular people” at ng mga magulang tuwing may espesyal na okasyon.
“They post birthdays. They post trips. So that’s the decision I made, yun ang ipapakita ko sa inyo. The regular things that regular people show people dahil lahat ng magulang yun ang ginagawa,” sabi pa ni Kris.
Pinag-aralan daw niya ang mga post sa socmed ng tulad niyang mga nanay para makakuha ng ilang pointers at tips at magamit niya in the future upang masigurong nabibigyan din ng “enough privacy” ang dalawa niyang anak.
“You will still see them du’n sa mga events na mga regular na tao. ‘Yun ang mga nilalabas nila e so nire-review ko. They will have enough privacy. But you cannot see them as often as you used to,” paliwanag ni Kris.
Sinagot din ni Kris ang ilang netizens na nagsabing hindi naman niya kailangang magpaapekto sa mga basher dahil mayaman na siya at wala na siyang kailangang problemahin pa.
Sey ni Tetay, isa sa pinaghahandaan niya ay ang long-term care para kay Joshua dahil nga sa kundisyon nito, “He will need lifelong care. He needs to be assured because I promised that to my mom na gagawin ko lahat to make sure he will be comfortable for as long as he will live and that will take a lot of money. And pag-iipunan ko yan.”
At tungkol naman kay Bimby, saludo si Kris sa katapangan at haba ng pasensiya ng bunsong anak. Sa kabila raw kasi ng pambu-bully sa binatilyo, never daw itong umiyak o nagpaapekto.
Payo niya kay Bimby, gawin niya ang mga gusto niyang gawin sa buhay at huwag na huwag magpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao. Ngayong buwan ay magpo-14 years old na si Bimby.
Sey pa ni Kris, “Hindi na natin kasalanan kung ano yung magiging opinyon nila about you but what’s important you know who you are. And you are not gonna be like them. I brought up a son who is brave.”
Ipinagdiinan pa niya sa bandang huli ng video na tinatanaw niyang napakalaking utang na loob sa lahat ng taong patuloy na nagmamahal at nagtitiwala sa kanya kung anumang meron siya ngayon.
“Wala akong utang na loob sa mga taong walang magawa sa buhay nila kundi pintasan ako. Pero napakalaki ng utang na loob ko dun sa mga taong come what may minamahal nyo ko,” ang dagdag pang pahayag ni Kris.