Kakai: Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything…we are powerless

 

HANGGA’T maaari ay ayaw nang patulan at seryosohin ng Kapuso comedienne na si Kakai Bautista ang mga nang-ookray sa kanya sa social media.

Feeling kasi niya tatanda at mai-stress lang siya nang bonggang-bongga kapag nakipagsagutan pa siya sa mga trolls at haters na walang ginawa sa buhay kundi ang mangnega ng kapwa.

Ito ang isa sa dahilan kung bakit nag-deactivate na siya ng Twitter account — masyado na raw kasing toxic dito kung saan puro kanegahan na lang ang pino-post ng mga bashers.

Sa pakikipagkuwentuhan ni Kakai sa ilang Kapuso stars sa “Artistambayan”, nagbigay siya ng update sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Aniya, patuloy siyang nagpapakapositibo sa lahat ng kanegahang nangyayari sa mundo.

“Okay naman ako. Kapag iniisip mo lalo ‘yung mga nangyayari sa atin, ‘yung mga personal issues mo, ‘yung mga issues sa labas, ‘yung issues sa social media, ‘yung issue ng ibang tao sa ‘yo, kung magwa-wallow ka sa lahat ng mga nagaganap sa paligid mo at nagaganap sa buhay mo, wala na mababaliw ka na talaga,” simulang paglalahad ng komedyana.

“Ang lakas talaga ng impact sa ating lahat (ng pandemya). Kahit gaano ka-strong ng personality mo, ka-tight ng family mo, ka-tight ng friendship mo with other people, wala, e, as in lahat ‘yon na-comprise nu’ng nangyari itong pandemic.

“Sinasabi ko nga, sine-set ko lang lagi ‘yung utak ko na I see things in a brighter perspective na kahit ganito ‘yung nangyayari sa atin,” dugtong pa ng isa sa cast member ng Kapuso primetime series na “First Yaya.”

Ipinaalala rin ni Kakai na kailangang mas patatagin pa natin ang pananampalataya at pananalig sa Diyos, “Kailangan talaga maging ano ka, e, sabi nila maging strong ka raw ngayon.

“Pero sa lahat ng mga interviews na ginawa ko, palagi ko lang sinasabi we are all helpless, powerless ngayong pandemic. It’s your faith that will really save you.

“Faith in yourself, faith in other people’s kindness, faith in God’s love, lahat. Kasi, kung bibitawan mo ‘yun, saan ka na kakapit?

“Wala na tayong pagkakapitan. Walang pera-pera ngayon, walang fame, walang everything. We are powerless,” diin pa ng Kapuso star na isa sa mga local celebrities na nakipaglaban sa COVID last year.

Samantala, inamin din ni Kakai na sinadya talaga niyang i-deactivate ang isa sa kanyang socmed account, “I don’t have Twitter I deleted it. It’s my right to delete my Twitter if I want to.”

Na-bash din kasi ang komedyana nang kumalat ang balita na pinadalhan siya ng cease and desist letter ng talent management ng Thai actor na si Mario Maurer.

Dito, sinabihan si Kakai na itigil na ang paggamit at pagbanggit sa pangalan ng aktor sa anumang interview. Nagkasama sina Mario at Kakai sa pelikulang “Suddenly It’s Magic” noong 2012.

Naglabas na rin ng official statement ang legal counsel ng talent agency ni Kakai bilang tugon sa demand letter ng kampo ni Mario kung saan hiningan nila ng formal demand for proof of authority to cease and desist ang abogado ng Thai actor.

Sa huli, sinabi ni Kakai na hangga’t kaya niya at dededmahin na lamang niya ang pambabatikos at pang-ookray ng netizens, “Anong gagawin ko, iiyak ako, o isang araw lang iyak tapos na.

“Kasi, iyakan mo ‘yan isang linggo sa mga nangyari mabwisit ka sa basher. Diyos ko ‘day, masama ‘yon sa ‘yo. ‘Yung stress na dala nung mga bagay na ‘yon.

“Number one ang stress that develops cancer cells. Alam natin ‘yan. It triggers everything na kung ano man ang sakit mo dyan na hindi mo pa nakikita it triggers everything,” chika pa ni Kakai.

Read more...