Regine: 'Bakit parang pinabayaan na lang tayo?' | Bandera

Regine: ‘Bakit parang pinabayaan na lang tayo?’

Karlos Bautista |April 10,2021
facebook
share this

Regine: ‘Bakit parang pinabayaan na lang tayo?’

Karlos Bautista - April 10, 2021 - 09:09 PM

Mula sa Instagram ni Regine Velasquez-Alcasid

Maging si Regine Velasquez ay dismayado na rin sa nangyayari sa bansa.

Sa kanyang tweet nitong Biyernes, inilahad niya ang kanyang saloobin sa araw-araw na balita ng mga taong namamatay.

“Bakit parang pinabayan na lang tayo?” ani Regine sa kanyang tweet na umani ng mahigit 7,100 na likes. “Kanya kanya matira matibay ganon na lang ba talaga?”

“People are dying people we know relatives friends! Every single day may nalalagas sa atin.  What’s happening??”

Ngayong Sabado, iniulat ng Department of Health ang 2,674 na karagdagang kaso ngayong araw ng  COVID-19 sa bansa, at umaabot sa  853,209 ang kabuuang kaso, 190,245 nito ay aktibo. Umabot naman sa 225 ang namatay ngayong araw na sa kabuuan ay may bilang nang  14,744.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending