Harry Roque, naospital dahil sa COVID-19

Isinugod sa ospital si Presidential Spokesman Harry Roque para sa COVID-19 treatment.

Ayon kay Roque, dapat na mag-ingat ang lahat dahil mas transmissible o mas nakahahawa ang COVID ngayon.

“I am now admitted in a hospital for COVID treatment.  This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution,” pahayag ni Roque.

Bagama’t nasa ospital, sinabi ni Roque na iaanunsyo niya mamayang hapon ang bagong risk classification sa National Capital Region.

“I will announce the risk classification of the National Capital Region Plus Bubble which will be discussed in the IATF meeting today,” matatapos ang enhanced community quarantine sa National Capital Region at mga kalapit na probinsya bukas, Abril 11.

“I am asking for your sincerest prayers to all afflicted with Covid 19 in the country and around the world,” pahayag ni Roque.

“God bless and protect us all,” dagdag ng opisyal.

Marso 15 unang nag-positibo sa COVID-19 si Roque.

Noong Marso 25, sinabi ng Kalihim na magaling na siya sa naturang sakit.

 

Read more...