Kasalukuyan pa ring nasa Canada si Alice at base sa post niya sa kanyang Instagram account nitong Huwebes, Abril 8, naturukan na raw siya ng bakuna kontra-COVID.
Ngunit ang balak daw niya ay umuwi na sa Pilipinas at dito na lamang magpaturok ng ikalawang dose ng vaccine sabay tanong kung available na ba sa Pilipinas ang brand na ginamit sa kanya sa Canada.
“I got my 1st injection (emoji injection) yesterday thanks to my big bro who drove me back n forth to the vaccination site numerous times (long story) yay!
“My 2nd shot is 3-4 weeks pero balak ko sana sa Pilipinas (emoji Philippine flag) na lang pag uwi namin.
“Does anyone know if may Pfizer sa atin? So far balita ko is AstraZenica & Sinovac,” ang caption ng aktres sa kanyang IG post.
Dugtong pa ni Alice, “May alam ba kayo na Pfizer? Pls. let me know kasi ‘yun ang kailangan ko sa 2nd vaccination dose ko. Thank you.
“Btw. I heard in Manila you can get your vaccines na kahit lockdown – true? If yes gogogo!”
May nagpayo naman sa aktres na sa Canada na lang daw magpa-second shot para raw masiguro na walang magiging problema dahil baka magkaroon pa ng “conflict” kung sa magkaibang bansa ang ginawang pagbabakuna.
Sabi ni @thekikaiempress, “Yay! Good for you! Pero I suggest you get your 2nd shot from there. Medyo pahirapan vaccines here eh.”
Maraming sumang-ayon sa netizen na manatili muna sa Canada si Alice at hintayin na lang ang kanyang second dose.
Sabi rin ni @ms_zen23, “Wala pa po Pfizer sa Pinas. Jan na lang ninyo tapusin ang vaccination ninyo para parehong Pfizer.”
Kamakailan, ibinalita naman ng aktres na makalipas ang 10 taon ay dininig na rin sa wakas ang kanyang dasal na magkaroon na ng “little one”. Hindi pa siya nagbibigay ng detalye tungkol sa kanyang baby na pinaniniwalaang nabuo sa pamamagitan ng surrogacy.