KUNG siya ang laging nag-i-interview sa kanyang mga programa sa GMA 7, this time si Jessica Soho naman ang nagbahagi ng ilang detalye tungkol sa buhay niya ngayong may pandemya.
Inamin ng award-winning Kapuso TV host at news anchor na hindi rin naging madali para sa kanya ang mamuhay sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nagkuwento si Jessica tungkol sa pagkakaroon niya ng pneumonia at kung paano niya ito nilabanan sa first episode ng “The Howie Severino Podcast”. Sa unang bahagi ng panayam, kinumusta muna ni Howie si Jessica.
“I’m good, fortunately. For someone with very weak lungs, I’m doing pretty okay. I’ve had two bouts with pneumonia and very serious bouts with pneumonia kaya I need to be very careful.
“My doctors have advised me na extra ‘yung precautions na kailangan kong gawin for myself, knowing ‘yung conditions ko,” pahayag ng Kapuso broadcast journalist.
Pahayag ni Jessica, sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19 kailangan niyang lumabas at magtrabaho para makapaghatid na balita at serbisyo publiko sa sambayanang Filipino.
Bilang mamamahayag, itinuturing din si Jessica na isang frontliner kaya naman tripleng pag-iingat din ang kanyang ginagawa. Inalala nga niya noong nagtungo siya Cagayan at Isabela matapos manalanta roon ang malakas na bagyo.
“Wala akong choice. Trabaho ‘yon, e. Kailangan ng mga kababayan natin sa Cagayan and Isabela na mapakita ‘yung kanilang kondisyon. This was in November.
“So, ang ginawa ko na lang, I took all the necessary precautions and observed all the protocols necessary when I was on shoot,” pahayag ng host ng KMJS.
Kahit nga raw sa ginawa niyang ambush interview kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo ay ingat na ingat din siya.
“Kay Vice President Robredo, I deliberately distanced myself, at saka payag naman siya. But because the president was surrounded by his security guys and all his aides, medyo I had to go up close kay President Duterte.
“Pero mindful din ako because he’s a senior citizen. Ayoko rin ma-endanger ‘yung health niya kasi meron din siyang mga inaalagaang kondisyon. I understand, his age, for one,” paliwanag pa niya.
Diin pa niya, “Kailangan ko magtrabaho. But most of the time, you know, I’ve been trying to take good care of my health talaga. I’ve been doing some workouts to improve my lungs.”
Sa huli, nagbigay din si Jessica ng mensahe para sa sambayanang Filipino, “Naniniwala ako doon sa dichotomies na tinatawag ng buhay natin.
“For every threat, there’s an opportunity. ‘Yung mga ganyan, ‘yung mga yin and yang.
“So, I think this pandemic happened for a reason, eh. Maybe it’s a timely reminder from our environment na if we mess up with it, this is what we’ll end up with.
“I think it’s also a good pause. ‘Di ba ‘yun ‘yung sinasabi early on in this pandemic? We all need the necessary pause in our lives. Kailangan daw po nating tumigil muna and take stock of things, magnilay-nilay. We need this new normal.
“May kasamang sakripisyo lalo na pagdating sa hanap-buhay, sa ating kalusugan, Pero I’d like to think na dapat mas marami tayong mga leksyon na matutunan from this. It’s a wake-up call, no doubt about that. And a rude one at that, pero I think it’s a necessary one,” lahad pa ni Jessica.