JM de Guzman si ‘Lucifer’ ang peg bilang kontrabida sa ‘Init Sa Magdamag’

HINDI nagdalawang-isip ang Kapamilya actor na si JM de Guzman na gumanap na kontrabida sa bagong Kapamilya series na “Init Sa Magdamag”.

Sa trailer pa lang ng nasabing drama series, ramdam na ramdam mo na ang napakalalim na galit at hugot sa kanyang karakter na siyang magiging mortal na kaaway ni Gerald Anderson sa kuwento at magpapahirap naman kay Yam Concepcion.

“Hindi siya mediocre, yung istorya. And kung paano nag-collaborate yung creatives and yung mga artists, staff, kami-kami po. Pinag-uusapan talaga namin (ang bawat eksena).

“Talagang puso’t kaluluwa namin yung inilatag namin dito para the best way we can to tell the story.

“Sana may maka-relate, sana may maiangat kami na nandun sa sitwasyon gaya nu’ng sitwasyon nu’ng tatlo naming characters and yun yung pangako na maibibigay namin. Mahirap din yung pinagdaanan naming lahat para gawin itong story,” pahayag ni JM sa nakaraang mediacon ng “Init Sa Magdamag”.

Kuwento pa ng aktor na gaganap ngang asawa ni Yam sa serye, may mga peg siya sa kanyang “nakakatakot” na karakter, “Nu’ng pinitch ito sa akin, I asked them na bigyan ng masustansiyang back story yung character.

“Nagtanong ako, kumuha ng pegs like sa character ni Lucifer (TV series) in terms of body language, yung sa character ng Kingdom na may fighter na drug addict na edgy, so kumuha ako sa kanila ng mga peg and then sabay sabay naming minold nila direk. So yun si Petersen Alvarez,” aniya pa.

Nang matanong naman tungkol sa estado ngayon ng kanyang puso, “Masaya. Mahal mo yung tao so kung saan siya mag-i-improve, kung saan siya maggo-grow. Mahal mo, eh.

“Yung state siguro ng puso ko ngayon is always aiming for maturity. So that’s why I love acting, that’s why passion ko siya talaga because I get to confront yung mga hindi ko alam na weak part ng pagkatao ko when presented a character na may ganitong conflict, may ganitong dynamics.

“So okay siya lagi sa akin kapag hindi ko pa na-e-experience yung character na yun kasi at the end of the day, when I reflect and tumingin ako sa sarili ko at i-compare ko du’n sa character na binuo namin sa teleserye na ito, natuturuan ako somehow to be a better person and actor,” pahayag pa ng binata.

Sinagot din niya ang tanong kung sa tunay na buhay ba ay kaya niyang baguhin ang kanyang hindi kagandahang ugali sa ngalan ng pag-ibig.

“Sa personal na opinion ko, naniniwala ako kay Jesus and sa pamamaraan ng pag-ibig can change the world so it’s a powerful thing.

“It can hurt you, it can kill you, it can make you better, it can make you someone na hindi mo akalain magiging ikaw. But it’s a very powerful thing,” paliwanag ni JM.

Read more...