MAS type pala ni Janine Gutierrez ang breakfast food na puwede raw niyang kainin araw-araw tulad ng bacon, spam at tuyo.
Sa panayam ng Random Republika.com vlog ni Kate Adajar, sinagot ni Janine ang random questions na hindi pa alam ng publiko tungkol sa leading lady ni JC Santos sa pelikulang “Dito at Doon” na kasalukuyang napapanood sa KTX.ph, iWant TFC, Cinema 76 @ Home at Ticket2Me mula sa direksyon ni JP Habac.
Noong bata ang aktres ang palayaw niya ay Janineski dahil idolo ng kanyang amang si Ramon Christopher ang basketball legend na si Robert Jaworski.
“Minsan may mga tumatawag pa rin sa akin ng Janineski, pero ang nickname ko talaga either Nine or Nini kaya when people call me Ja (short for Janine) parang ‘yung tenga ko parang (lumalaki). Ha-hahaha!” masayang kuwento ng dalaga.
Nagtapos naman ng European Studies (cum laude) si Janine sa Ateneo de Manila University noong 2011 at ipinaliwanag niya kung bakit ito ang kinuha niyang kurso.
“Nu’ng bata kasi ako hindi kami nakaka-travel outside the country, so inggit na inggit ako kapag nakikita ko ‘yung classmates ko na nagbabakasyon sila abroad ng mga family nila.
“So, it’s always my frustration to the point na pinangarap kong maging ambassador, so that’s why I chose European studies kasi ang mga diplomat parating nagta-travel,” pagtatapat ng aktres.
Sa Spanish language nag-focus si Janine, “Kasi marunong ‘yung daddy ko at lola para pag may tanong ako sa homework (masasagot nila).”
Ang top 3 make-up items naman ng dalaga ay, “Mascara, lipstick and facial spray kaya lang skin care ‘yun.”
Ang unang celebrity crush ni Janineski, “Oh, nu’ng bata ako ang crush ko raw ay si Eric Quizon (sabi ng nanay ko). Yes he knows kasi naging tatay ko siya sa Victor Magtanggol (serye sa GMA 7).”
Greatest fear niya, “Well, takot ako sa faultline and anyone of my family (members) getting sick.”
What makes Janine kilig? “When people make plans ‘yung sasabihan ka na lang na, ‘o susunduin na kita’ tapos nakaplano na lahat sobrang kinikilig ako sa effort.”
Ang bad news naman na pwedeng makasira sa buong araw ng aktres, “Literal na bad news na parang may problemas things like that. Basically balita!”
Childhood dream ni Janine ang maging labandera, “My mom said my first dream is to be a labandera kasi lagi akong nakadikit sa yaya ko and tinutulungan ko siyang maglaba.
“I’ve never wanted to be an actress kasi parang palagi akong tinatanong kung gusto kong mag-artista and I always said no kasi parang ‘ang kulit, bakit ba?’ When people would ask parang in a way wala akong choice, so, I only open to the idea nu’ng na-realize ko na ako ‘yung may gusto at hindi ng lahat.”
Ang pangarap ni Janine na maka-lunch or dinner na local celebrity ay si Ms. Charo Santos-Concio.
“It would have been Ma’am Charo. I watched her films when she was a young actress and ‘yung career progression niya from an actress to a boss parang sobrang iconic niya, di ba? And nakaka-inspire ‘yung leadership niya as a woman,” nakangiting sabi ng aktres.
Inamin ni Janine na pangarap din niyang maging movie producer, “Parati kong dyino-joke sa mga kaibigan ko na gusto kong maging ma’am Charo someday but I’m just kidding. On a more serious note, I really want to be a producer din and I looked up to so many actresses na parang nagpo-produce their own films like in Hollywood si Reese Witherspoon at Drew Barrymore.”
Ano naman ang dream date ni Janine? “As in ano ang gagawin, I guess ‘yung tipong susunduin ka na lang tapos didiretso kayo sa airplane tapos hindi ko alam kung saan ang destination.”
Hayan Rayver Cruz, alam mo na, ha!