Angeline may pa-tribute kay Sarah: Nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita…

TODO ang pasasalamat ng Birit Queen na si Angeline Quinto sa nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Ibinandera ng tinaguriang Queen of Teleserye Theme Songs kung gaano ka-sweet at kabait ang misis ni Matteo Guidicelli sa kanyang mga kaibigan.

Ibinahagi ni Angeline sa madlang pipol kung paano ipinaramdam sa kanya ni Sarah na hindi siya nag-iisa sa laban ng buhay lalo na ngayong wala na ang kinilala niyang ina na si Mama Bob.

Sa kanyang Twitter page, ipinost ni Angeline ang screenshot ng pagpapalitan nila ng message ni Sarah noong ibalita niya sa kanyang vlog na tinamaan din siya ng COVID-19 kaya kailangan niyang mag-quarantine sa bahay.

Ang inilagay niyang caption, “Hindi mo nakakalimutan kamustahin ako. Lalo nu’ng nawala ang Mama Bob. Salamat sa ‘yo, Sars.

“Ipinost ko ito dahil nagpapasalamat ako na naging kaibigan kita bukod sa katrabaho. Salamat SG. Mahal Kita. @JustSarahG,” mensahe pa ni Angeline.
Narito naman ang palitan nila ni Sarah ng mensahe.

“Sarah: Angge kamusta ikaw? Nakita ko yung vlog mo. Mag-iingat ka lagi.

“Angeline: Sars good morning. Naka isolate pa ako Sars ngayon hanggang April 8. Salamat sa pangangamusta Sars. Ang ganda ganda ng Tala concert. Congratulations Sars at sa lahat ng bumuo.

“Sarah: Pagaling ka Angge at magpalakas. Yakap. Salamat para sa Tala concert!

“Angeline: Mag-iingat kayo lagi Sars. Salamat sobra. God bless you and family Sars.

“Sarah: Salamat Angge. God be with you too always. Yakap.”

Last week, inilabas ni Angeline ang isa niyang vlog sa YouTube kung saan mapapanood ang kanyang journey sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Aniya, posibleng nahawa siya sa isang taong nakasama raw niya sa pagkain.

“Buti na lang wala si Mama Bob dito. Kung nandito pa ang Mama, baka lalo akong matataranta at mas hindi ko alam ang gagawin ko,” she said in the vlog.

Kahapon, nagbigay uli si Angeline ng update tungkol sa kanyang health condition. Aniya, matatapos na niya ang 14-day quarantine at sana’y negative na nga ang susunod na resulta ng kanyang test.

Sabi pa niya, “May panlasa at pang amoy na ulit ako. Salamat Panginoon.”

Read more...