TANGGAP ni Baron Geisler na may mga taong hindi pa rin naniniwala at patuloy na magdududa na totoong nagbago na siya.
Emosyonal na nagkuwento ang Kapamilya actor tungkol sa naging journey niya sa pagbabagong-buhay simula noong magkaroon na siya ng sariling pamilya at manirahan sa Cebu.
Aniya, kung may isang bagay man siyang pinanghihinayangan ay ang maagang pagpanaw ng kanyang ina dahil hindi na nito nasaksihan ang kanyang pagiging asawa at ama.
Sa bagong vlog ni Toni Gonzaga, ibinahagi ng aktor ang tagpong namaalam na ang kanyang nanay, “I remember that night, I was preparing to go to a five-day retreat. I was sober for a while.
“So I went to her room and I said, ‘Mom, Baron here. I’m a good boy. Punta akong retreat. I will see you when I get back,’” pagpapaalam niya sa ina.
Aniya pa, “Parang sa pelikula. She tried to stand up to say something. Sabi ko, ‘Mom, what is it? What is it?’ On a happier note, dahil sa long hair ko and bigote, feeling ko baka akala niya ako si Jesus, sumusundo.
“Nilapitan ko na siya. Kumuha ako ng pen light, tsinek ko ‘yung mata ni mommy. Nakita ko slowly nagdi-dilate. That’s when I knew that we lost her. I was there,” lahad ng magaling na kontrabida sa telebisyon at pelikula.
Pagbabahagi pa niya, “My dream kasi nu’ng time na ‘yun was for my mom to see me clean. Madami naman ang nagsasabi na ‘She’s proud of you now.’”
Dagdag pa niyang kuwento, “There are times nga na para akong baliw. I still say a little shout out kay mom na I wish you were here.
“Kasi may baby ako, hindi niya naabutan ‘yung apo niya. Lahat ng mga anak ng mga kapatid ko, naabutan niya. Ako lang ‘yung hindi. Kung buhay siya, is-spoil niya si baby Tali,” sey pa ng aktor.
Sa mga patuloy na nagdududa sa kanyang pagbabago, ito ang masasabi ni Baron, “The doubts will always be there. ‘Baron, totoo ba iyan? Return of the comeback na naman? Baka mamaya puro salita lang iyan, after a few films, babalik na naman iyan sa dati.’
“I am ready for that na. My recovery is not for Jamie, it’s not for Tali. It’s for me. Because how can I lead a family if I am not ready, if I am not whole?” esplika pa niya.
Ito naman ang naging mensahe niya para sa lahat ng patuloy na sumusuporta at nagtitiwala sa kanya, “As we grow older, we evolve and hopefully for the better. I want to evolve to become a really, really good leader, a respectable man.
“I do not have to answer to anyone except my God because only Him and I have a relationship and it’s a very special one. Nobody can take that away from me,” dugtong pa niya.
Masaya na ngayong namumuhay ang aktor sa Cebu City kasama ang asawang physician na si Jamie Evangelista at anak nilang si Baby Tali.