Anak ni Ai Ai engaged na sa non-showbiz BF; Cassy nagpaka-fan girl kay Gabby

ENGAGED na rin ang bunsong anak ni Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas na si Sophia sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ibinandera ni Sophia o Soph sa Instagram ang magandang balita kalakip ang litrato kung saan makikitang magkahawak-kamay sila ng kanyang fiancé na si Vince Bautista.

Nagmumura rin sa kinang ang engagement ring na suot ni Sophia. Aniya sa caption, “I just said YES to my person. The funniest proposal ever — I wouldn’t have it any other way. I love you! @vincebautistaa say hi to our witness.”

Sa kanya namang Instagram page, nag-post din ang Kapuso comedienne at “Owe My Love” star ng madamdaming mensahe para sa anak at sa future son-in-law niya na si Vince.

Ni-repost ng komedyana ang litrato ni Sophia sa IG at nilagyan ng caption na, “Happy for you aking bunso @sophdelasalas and dong wag mo papabayaan ang aking only girl at bunso.

“Naway maging maligaya at puno ng pag mamahalan ang inyong pagsasama… at happy bday na din sa’yo dong @vincebautistaa. Nakiiyak din ako sa proposal feelingera.

“Nakita ko kasi ang anak ko umiyak, tears of joy, nakisali na din ako. Congratulations budangding and dong. GOD BLESS YOU BOTH,” pahabol pang message ni Ai Ai.

Kung matatandaan, proud na proud ding ibinandera ni Ai Ai ang isa pang milestone sa buhay ng nag-iisang anak na babae nang finally ay maka-graduate na ito at makuha ang college diploma sa De La Salle University.

* * *
Nagpaka-fan girl ang Kapuso youngstar na si Cassy Legaspi sa dating matinee idol at “First Yaya” lead actor na si Gabby Concepcion.

Nagkuwento ang dalagang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa isang panayam tungkol sa mga naging experience niya habang nasa lock-in taping ng “First Yaya.”

Kasama nga niya rito si Gabby na gumaganap na tatay niya sa serye at si Sanya Lopez who’s playing her yaya.

“Si Sanya she’s literaly like my ate, and we’re super swak and ngayon we’re super close,” paglalarawan ni Cassy kay Sanya.

Aniya pa, sa isang eksenang kailangan nilang umiyak ni Sanya, talagang tumulo na lang daw bigla ang luha niya kahit nagtinginan lang sila ng aktres.

At kahit tatay nga niya si Gabby sa “First Yaya,” nabanggit ni Cassy na hindi niya maiwasang magpaka-fan sa aktor. Sobrang gwapo raw kasi ni Gabo lalo na kapag tumitingin siya sa mga mata nito.

Pag-amin pa ni Cassy, may mga eksena silang ginawa ni Gabby kung saan hindi niya maiwasan ang kabahan lalo na sa una nilang eksena kung saan kailangan niyang umiyak at yumakap sa aktor na gumaganap na presidente ng Pilipinas sa nasabing serye.

“Sabi niya, ‘Ok lang you can hug,” chika pa ni Cassy.

Read more...