Mala-TikTok dance video noon ni Gabby patok sa socmed; ‘I Heart Movies’ digital channel ng GMA aariba na

ALIW na aliw ang netizens sa trending throwback video ngayon ng dating matinee idol at “First Yaya” lead star na si Gabby Concepcion.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Gabby ang video ng kanyang mala-TikTok dance moves na ibinigay sa kanya ng leading lady niyang si Sanya Lopez.

Mapapanood sa video ang Kapuso actor na gumigiling habang tumutugtog ang upbeat music na hango mula sa pelikula niyang “P.S. I Love You” kasama si Sharon Cuneta.

Sey ni Gabby sa caption, “Hindi pa uso ang TikTok, umarangkada na ako. Hahaha! Melody [ang karakter ni Sanya Lopez], pasensya ka na… ito lang ang nakayanan ko. Hahaha. #FirstTikTok. Thank you sa video @sanyalopez.”

Maririnig din sa video ang comment ni Sanya na, “Oy, ser! Sumasayaw ka naman pala, Sir.”

Sabi pa ni Sanya sa comment section ng IG post ni Gabby, “HAHAHAHA Sir! Iba yung kendeng kendeng mo dyan!” Na sinagot naman ng aktor ng, “@sanyalopez, huwag mong gayahin. Baka mawalan ka ng career. Hahahaha!”

Ilan sa mga nag-like at nagkomento sa mala-TikTok dance moves ni Gabby ay ang panganay niyang anak na si KC Concepcion pati na sina Aga Muhlach, Arnold Clavio at Thou Reyes.

* * *

May ihahaing masasarap na “putahe” simula ngayong araw para sa lahat ng Pinoy ang bagong digital movie channel ng GMA Network na I Heart Movies.

Dahil maraming iba’t ibang pelikula ang mapanonood dito, hinati ang mga ito sa apat na magkakaibang movie blocks.

Nariyan ang “Timeless Telesine” kung saan tampok ang mga original made-for-TV movies mula sa GMA Telesine Specials.

Sa “Takilya Throwback” naman mapapanood ang mga classic Pinoy movie mula dekada ’70 hanggang early 2000. Para naman sa mga mahilig sa contemporary Filipino films, nariyan ang “Pinoy Movie Date.”

Siyempre, hindi rin mawawala ang mga blockbuster Hollywood films na eeksena sa “Block Screening.”

“We want to provide the Filipino audience a one-stop shop, “freemium” digital channel, which is readily accessible and offers a mix of foreign and local film features especially during this period of pandemic when viewers crave for entertaining content while in the convenience of their homes,” pahayag ni GMA First Vice President for Program Management Jose Mari Abacan.

“We are now contending with a fickle-minded audience. The pandemic has given birth to an abundance of content and through the advent of OTT platform services, viewers are now spoilt for choice; where to watch; and when to watch. By offering a more diverse line-up of movies, we hope to provide a free TV alternative for everyone,” aniya pa.

Viewers can catch “I Heart Movies” on Channel 5 in GMA Affordabox and GMA Now. It will also be available on other digital TV boxes. For more details, go to the official website on www.gmanetwork.com or visit I Heart Movie’s official social media accounts.

Available ang digital movie channel na I Heart Movies sa GMA Affordabox, GMA Now, at sa iba pang digital television boxes.

Read more...