NGAYONG Easter Sunday, 8 p.m., malalaman kung sinu-sino ang magwawagi at tatanghaling pinakamagagaling sa mundo ng pelikula sa pinakaaabangang 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) hosted by Robi Domingo.
Labing-apat na kategorya ang paglalabanan sa virtual na edisyon ng The EDDYS, bukod pa sa pagbibigay-pagkilala sa mga natatanging artista at personalidad na nagmarka at walang sawang tumutulong sa entertainment industry.
Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), Toktok courier service at Beautederm Corporation, mapapanood sa buong mundo ang virtual awards night sa ilalim ng direksyon ng award-winning OPM icon na si Ice Seguerra.
Libreng mapapanood ang Gabi ng Parangal sa FDCP Channel (sa ilalim ng EVENTS tab), SPEEd Facebook page at iba pang digital platforms.
Si Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos ang mag-a-announce ng 2021 EDDYS Best Actress winner.
Ang award-winning actress-politician ang kauna-unahang nakatanggap ng best actress trophy mula sa EDDYS para sa pelikulang “Everything About Her” noong 2017.
Ang 3rd EDDYS Best Actor namang si Dingdong Dantes (na nagwagi para sa pelikulang Sid & Aya) ang naatasang maghayag ng mananalong Best Actor.
Samantala, muling nagpapasalamat ang SPEEd kay FDCP Chairperson sa walang sawang pagbibigay ng suporta at tiwala sa The EDDYS.
“Ikinararangal ko pong maging kabahagi ng EDDYS ang FDCP. Sa lahat po ng mga pinakamahalagang yugto sa buhay ng FDCP, kasama po namin ang mga kapatid natin sa press. Naging kabahagi po kayo nang lahat ng tagumpay at pagsubok sa pagtataguyod ng ating cinema at ng industriya.
“On the occasion of its 4th year, the EDDYS continues its commitment to shine a light on the most brilliant spots of our newsworthy industry. Virtual po tayo ngayong gabi.
“Instead of the cheerful chats in the lobby before the show, the resounding laughter, and applause, the ‘oohs and ahhs’ during the program – we are to content ourselves with this new way of keeping connected, and for our audience, tonight, watching online here at the FDCP channel and other platforms,” ang bahagi ng mensahe ni Chair Liza.
Samantala, ilulunsad din ng SPEEd ngayong gabi ang Isah V. Red Award bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng grupo na si Isah V. Red.
“This recognition is given to individuals like him — a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country and community — who beyond the realm of entertainment has so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious and inimitable way,” ayon sa SPEEd president na si Ian Fariñas.
Bukod sa FDCP, Toktok courier service/delivery app at Beautederm ang iba pang katuwang ng SPEEd sa pagdaraos ng 4th edition ng Entertainment Editors’ Choice ay ang San Miguel Corporation, House Speaker Lord Allan Velasco, Rep. Alfred Vargas, Rep. Niña Taduran, Mr. Raffy Tulfo , Mr. Willie Revillame, Tiger Crackers, Aficionado of Joel Cruz, Maris Pure Corp at Smart Shot.
Tulad ng mga nakaraang taon, si Mr. Juancho Robles (managing partner, Chan Robles & Company, CPAs) ang tumatayong official auditor ng ikaapat na edisyon ng The EDDYS.