Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang April 3, nasa 16,405 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Pilipino mula sa 90 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,296 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Labing-dalawa naman ang bagong gumaling kung kaya 10,060 na ang Pilipino sa abroad na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,049 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Pilipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive ng mga Pilipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 9,078 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,275 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 906 naman ang kaso sa Americas at 3,146 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pilipino sa ibang bansa at handang umasiste sa mga kababayan na apektado ng COVID-19 pandemic.