Baekhyun ng K-pop band na EXO, sasali sa military sa sunod na buwan

Sasali sa military ang myembro ng K-pop band EXO na si Baekhyun sa susunod na buwan bilang bahagi ng mandatory military service sa South Korea, ayon sa pahayag ng kanyang ahensiya nitong Sabado.

Mag-i-enlist ang 28-taong mang-aawit sa Mayo 6, ayon sa SM Entertainment. Hindi nagpalawig ang ahensya kung saan gaganapin at ang schedule ng enlistment.

Inilabas ni Baekhyun ang kanyang third solo extended play record na “Bambi” noong nakaraang linggo, matapos ang kumita ng milyon ang kanyang kantang  “Delight” noong 2020.

Siya ang ika-anim na myembro ng EXO na magpapa-enlist sa military matapos sina  Xiumin, D.O., Chen, Suho at Chanyeol. Ang dalawang nauna ay nakatapos na sa kanilang serbisyo.

Lahat ng mga South Korean na lalaki na may malakas na pangangatawan ay kailangang magbigay ng serbisyong military sa loob ng 18 buwan sa harap ng patuloy na banta ng pagsiklaw ng digmaan sa kapitbahay nitong North Korea.

Mula sa ulat ng The Korea Herald/Asia News Network
Read more...