Britney umiyak sa TV documentary tungkol sa kanyang buhay

Britney Spears (Reuters)

LONDON — Inamin ng singer na si Britney Spears na ilang linggo siyang umiyak matapos mapanood ang isang TV documentary na sumuri sa kanyang buhay–mula sa pag-imbulog sa kasikatan hanggang sa kanyang breakdown.

Sa kayang Instagram post, sinabi ng 39-taong-gulang na mang-aawit na hindi niya napanood ng buo ang “Framing Britney Spears.”

“But from what I did see of it I was embarrassed by the light they put me in … I cried for two weeks and well …. I still cry sometimes,” ang wika niya sa kanyang post kasama ng isang video kung saan siya ay sumasayaw sa awiting “Crazy” ni Aerosmith.

Ang documentary na ini-release noong nakaraang buwan ay muling bumuhay sa isyu ng mahabang panahon nang laban ni Britney para matanggal sa kanyang ama ang kontrol sa pamamahala ng kanyang pera.

Gusto ni Spears, na pumaimbulog sa kasikatan sa kanayang 1998 hit na “Baby One More Time”, na palitan ang kanayang ama na si Jamie Spears bilang conservator.

Ibinigay ng korte kay Jamie ang papel na conversator noong 2008 matapos na ma-ospital si Britney para sa  psychiatric treatment.

Ipinakita ng kanyang mga fans ang kanilang suporta sa ilalim ng hashtags na #We’reSorryBritney at #FreeBritney.

“I have been exposed my whole life performing in front of people. It takes a lot of strength to TRUST the universe with your real vulnerability cause I’ve always been so judged… and embarrassed by the media… and I still am till this day,” wika ni Spears.

“As the world keeps on turning and life goes on we still remain so fragile and sensitive as people …I’m not here to be perfect … perfect is boring … I’m here to pass on kindness.”

Mula sa ulat ng Reuters
Read more...