Labi ni Claire dela Fuente na-cremate na; Gigo nag-sorry sa kapatid

KINUMPIRMA ni Gigo de Guzman na na-cremate na kagabi ang labi ng kanyang yumaong inang si Claire dela Fuente.

Ibinalita ito ni Gigo sa publiko sa pamamagitan ng ipinost niyang mga throwback photos nila ng OPM icon sa kanyang Instagram Stories kagabi.

Ito’y bilang pagsunod na rin sa ipinatutupad na kautusan ng Department of Health (DOH) ngayong panahon ng pandemya na ang lahat ng mga pumanaw na may  COVID-19 ay dapat i-cremate.

Namatay ang veteran singer dahil sa cardiac arrest noong March 30 sa edad na 62. Bago siya mamaalam ay nagpositibo nga siya sa COVID-19 na hinihinalang nakuha niya sa isa nilang kasambahay.

Sabi ni Gigo sa caption ng ipinost niyang litrato sa IG, “My mom is being cremated tonight.

“My brother @thefurybot had to go there alone to witness it as he’s the only one of us negative for Covid. At least now our mom is with our dad after so many years apart,” aniya pa.

Ang tinutukoy niya ay ang nakababatang kapatid na si Mick de Guzman sa namayapang amang si Moises de Guzman.

Kasunod nito, humingi rin si Gigo ng paumanhin sa kapatid dahil mag-isa nga lang itong nag-asikaso sa labi ng kanilang ina dahil hanggang ngayon ay naka-quarantine pa siya dahil tinamaan din siya ng killer virus.

Nagpasalamat naman si Gigo dahil nandiyan nga ang batang kapatid at nananatiling malusog at walang karamdaman kaya may nag-asikaso pa rin sa labi ng kanyang ina.

Mensahe ni Gigo, “@thefurybot I am so sorry I cannot be there with you as you take care of mama.

“I know we are both adults now but I am still your kuya, and I’m suppose to protect you and look out for you.

“I wish I could hug you and keep you safe. Know that I am so proud of you for still doing what needs to be done.

“It’s just us now, and I’ll always be there for you bro. I love you very much,” ang muling pagpapasalamat ni Gigo sa kapatid.

Read more...