Sharon: Wala nang kwenta ke mayaman o mahirap ka ngayon, walang sinasanto ang COVID!

HINDI na rin napigilan ni Megastar Sharon Cuneta ang maglabas ng saloobin hinggil sa muli na namang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Matapos ngang makapagtala muli ng mahigit 10,000 daily cases ng COVID-19 ang Department of Health, umapela na rin si Sharon sa madlang pipol na triplehin na ang pag-iingat sa kalusugan at sundin ang lahat ng health protocols.

Idinaan ni Mega sa kanyang page ang panawagan sa publiko, “Please naman maawa na kayo sa mga kababayan nating namamatay!!! TAO MUNA UNAHIN, puede po?!

“At tayong lahat sana sumunod na sa health protocols at huwag na matigas ang ulo dahil tayo din ang napapahamak,” paalala pa ng singer-actress.

Ipinagdiinan pa ni Shawie na stay at home na lang kung hindi naman talaga kailangang lumabas ng bahay, “Wear a mask. Keep social distancing. Huwag na lumabas kundi kailangan. Wash your hands. Use alcohol and sanitizer. Keep safe. May God have mercy on us all.”

Samantala, may isang netizen naman ang nagkomento sa post ng Megastar at nagsabing dapat talagang mag-ingat ng mga ordinaryong tao lalo na yung mga walang trabaho at kabuhayan.

Aniya, wala raw naman talagang problema ang mga mayayaman dahil kering-keri nila ang gumastos ng malaki sa pagpapagamot.

Sey ng netizen, “Keep safe guys. The only person who will help you and your family will be you. No one else. Ang may pera makakabili ng vaccine, makaka swab test. They can go to the hospital anytime. May pera e! Ako wala.

“So ingat ingat lang ng hindi mahawa ang mga kasambahay natin. I will continue praying for all Filipino people.”

Hindi naman ito pinalampas ni Sharon at talagang sinagot ang kanyang IG follower, “That is no longer true.

“May kaibigan akong napakayaman, may cancer pa, apat na araw bago makakuha ng room sa Makati Med. Wala nang kwenta que mayaman o mahirap ka ngayon. Walang sinasanto ang COVID,” mariin pang pagkontra ng aktres sa paniniwala ng netizen.

Read more...