#Alamin sa tulong ng Globe: Ano ang e-waste at paano ang ligtas na pagtatapon nito?

May luma ka bang cellphone na hindi na ginagamit? Sobrang mga kable at charger? Sirang TV at DVD players at mga hindi na gumaganang appliances na gusto mo na sanang itapon pero hindi mo alam kung paano? ‘Wag ka nang mag-alala, tutulungan ka ng Globe ng ligtas na pagtatapon nito. 

Habang patuloy ang Globe sa pagbibigay ng maasahang koneksyon para sa tawag at internet, sinisiguro rin nito na matulungang gawing mas ligtas ang kapaligiran para sa mapanatili ang maayos na kalusugan ng mga Pinoy. Layunin ng kumpanya na bawasan ang pinsalang dulot ng hindi tamang pagtatapon ng basura lalo na ng mga electronic waste (e-waste).

Mahigit sa 100 na mga lalagyan ng e-waste ang makikita sa iba’t-ibang lugar gaya ng Globe Stores, malls at iba pang mga lugar na madaling mapuntahan ng publiko. 

Tinatanggap sa mga lagayan nito ang mga luma at sirang telepono, mga gamit sa kompyuter gaya ng mouse, earphones, at speakers; mga internet at WiFi modems; mga kable, baterya, circuit board, CDs/DVDs at iba pang maliliit na electronic devices. Gayundin, maaaring hilingin ang pagkuha sa tahanan o pagawaan ng mga mas malaking appliances gaya ng computer sets, mga antenna, transmitters, mga gamit sa bahay gaya ng washing machine, oven at refrigerator, at iba pa.

“Kinikilala ng Globe ang kahalagahan ng hakbangin na ito para matiyak na ang mga e-waste ay naitatapon nang maayos at hindi nakakapinsala sa kapaligiran. Nais naming hikayatin ang aming mga customer na tumulong sa tamang pagtatapon ng e-waste,” ani ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP para sa Corporate Communications. 

Ang mga e-waste ay nagtataglay ng iba’t ibang nakalalasong materyales na siyang nagpapataas sa  peligro sa proseso ng pagre-recycle lalo na sa mga indibidwal o maliliit na institusyon na walang tamang pasilidad para rito. Ayon sa UN Environment Programme, tinatayang mahigit sa 50 milyong tonelada ng e-waste ang napo-produce sa buong mundo kada taon.  

Tinatayang 80 porsyento ng e-waste ay napupunta sa mga landfills na siyang nakababahala lalo na para sa mga impormal na komunidad na malapit sa tambakan ng basura dahil maaari silang maapektuhan sa mga pinsalang dulot ng e-waste. 

Batay sa pag-aaral ng UNIDO at EcoWaste Coalition, 28 lamang mula sa 135 na rehistradong Treatment, Storage, at Disposal (TSD) facilities sa Pilipinas ang nagpoproseso ng e-waste. Habang pinakikinabangan naman ng impormal na sektor ang mga bagay na ito, ang proseso ng kanilang dismantling at recycling ng e-waste ay hindi ayon sa isinasaad ng batas. 

Bilang tugon, ang e-waste program ng Globe ay hindi lamang naglalayon na i-promote ang maayos na pagtatapon ng basura kundi maturuan din ang mga consumer ng mga posibleng pinsala ng e-waste sa kapaligiran at ang mga benepisyo ng pagre-recycle ng mga ito.

Sa halip na gumamit ng raw materials, ang mga mahahalagang materyales mula sa mga lumang electronics ay maaaring gawing bagong baso, mga plastik na upuan, filament para sa pag-print ng 3D, at iba pa.  Maiiwasan din nito ang pagtatapon sa mga landfill at nabibigyan ng wastong pamamahala ng mga nakakalason na kemikal na posibleng tumagas patungo sa mga sapa at ilog. Pinipigilan din nito ang mga posibleng panganib sa kalusugan sa mga naninirahan malapit sa mga dumpsite na ang pangunahing ikinabubuhay ay ang manu-manong pagpoproseso ng e-waste.

Noong 2019, nakakolekta at nakapag dispose ang programa ng mahigit sa 250,000 kg ng e-waste. Dahil dito, ang kabuuang koleksyon ay umabot na sa 1.4 milyon kg mula 2014. Dinadala ang mga nakolektang e-waste sa mga katuwang na pasilidad ng Globe gaya ng Total Environment Solutions – Asset Material Management Philippines (TES-AMM) sa Pasig City and Maritrans Recycler, Inc sa Cebu. Inihiwalay ng pasilidad ang mga plastik, metal, at mga electronic na bahagi ng e-waste.  Ang huling proseso ay ginagawa sa TES-AMM facility sa Singapore.  

“Lubos na nagpapasalamat ang Globe sa aming mga partners na binubuo ng mahigit sa 66 korporasyon, mga pribadong organisasyon, mga NGOs, mga lokal na pamahalaan, at mga paaralan sa buong bansa, na kaisa namin sa misyon na magkaroon ng mas maigi at mas ligtas na kapaligiran para sa mga susunod na henerasyon. Muli, hinihikayat namin ang mga indibidwal at mga organisasyon na makiisa sa hangaring ito. Tulong-tulong tayo sa pagpapanatiling ligtas ng ating planeta mula sa mga pinsalang dulot ng hindi tamang pagtatapon ng basura,” idinagdag ni Crisanto. 

Bisitahin ang anuman sa mga kalahok na Globe Stores sa buong bansa o humiling ng libreng pagkuha ng mga malalaking e-waste. Para sa listahan ng mga drop off points at at mga kahilingan sa paghakot ng maramihang e-waste, bisitahin ang E-waste Zero website sa https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability/environment.html

Nananatiling nakatuon ang Globe sa 10 UN Global Compact principles at patuloy na sinusuportahan nito ang 10 sa 17 UN Sustainable Development Goals gaya ng UN SDG No. 12 o Sustainable Consumption and Production, na naglalayong makamit ang pag-unlad ng ekonomiya at sustainable development habang binabawasan ang ecological footprint. Ito ay tumataguyod din sa pag-unlad ng ekonomiya nang hindi nakakasira sa kapaligiran.

Para sa iba pang kaalaman sa sustainability initiatives ng Globe, pumunta sa https://www.globe.com.ph/about-us/sustainability.html

Read more...