Paul, Thea ibinuking ang sikreto ng buong cast ng Lost Recipe; Dingdong, Bianca babalik sa #MPK

FROM adobo to iba’t ibang Filipino dishes, talagang takam na takam ang viewers sa mga putaheng na-feature sa GMA Public Affairs romance-fantasy series na “The Lost Recipe.”

Pero alam n’yo ba na pagkain din ang dahilan kung bakit super close ang buong cast ng serye sa isa’t isa? Ito ang revelation ni Paul Salas sa latest episode ng Press Play ni Kapuso PR Girl kasama ang kanyang co-star na si Thea Tolentino.

“Unang-una food trip ay ang jamming sessions natin. Yun ang pinaka-mamimiss ko. Yung pag-standby tayo, wala tayong ginagawa at nasa tent tayo, may jamming sessions tayo, at nagfu-food trip,” ani Paul na gumaganap bilang Frank sa “TLR.”

Agad naman itong sinang-ayunan ni Thea na gumaganap bilang si Chef Ginger, “Ako rin!”

Mapapanood ang buong video nina Paul at Thea sa official YouTube channel ni Kapuso PR Girl (www.youtube.com/KapusoPRGirl).

At ngayon ngang ilang tulog na lang ay finale na ng “The Lost Recipe,” talagang pasarap nang pasarap at kaabang-abang ang magaganap na mga eksena!

Sa March 31 na ito matatapos kaya naman huwag palampasin, 8:50 p.m., sa GTV with simulcast sa digital channel na Heart of Asia.

At ngayong Holy Week, may handog din ang “The Lost Recipe” dahil mapapanood ang favorite ninyong episodes ng serye mula Maundy Thursday hanggang Black Saturday.

* * *

Muling mapapanood ang natatanging pagganap nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at versatile actress Bianca Umali sa Holy Week special ng “Magpakailanman” (#MPK) ngayong Maundy Thursday (April 1) at Good Friday (April 2).

Balikan ang napapanahong kuwento ni Boy Bonus (Dingdong), isang reformed criminal sa episode na pinamagatang “Ang Kriminal na Binuhay ng Diyos” ngayong Huwebes Santo.

Dahil sa patung-patong na problema, mawawalan si Boy Bonus ng pananampalataya sa Diyos sa murang edad. Saksihan kung paano magbabago ang kanyang buhay at magbabalik ang kanyang paniniwala sa Diyos.

Samantala, bibigyang-buhay naman ni Bianca ang kuwento ng isang dance sport champion na putol ang binti sa episode na “Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story.”

Anim na taong gulang pa lang si Lairca nang maputulan siya ng binti dahil sa sakit na bone cancer. Ipakikilala ng technician na nag-aayos ng kanyang prosthetic leg ang Para Dance Sport sa dalaga at dito na magbabago ang kanyang buhay.

Abangan ang natatanging pagganap nina Dingdong at Bianca sa Holy Week special ng Magpakailanman ngayong Maundy Thursday at Good Friday sa GMA 7.

Read more...