NAPILITANG i-deactivate ng Kapuso comedienne na si Kakai Bautista ang kanyang Twitter account matapos umani ng samu’t saring reaksyon ang ipinost niya tungkol sa pandemya.
May mga sumang-ayon sa kanyang pahayag hinggil sa nararamdaman niya sa patuloy na banta ng COVID-19 sa bansa ngunit marami rin ang bumatikos sa kanya kabilang na ang nga supporters nina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice-President Leni Robredo.
Narito ang kontrobersyal tweet ni Kakai, “I stopped patronizing Duterts and Robredo. I tried focusing on the advantages of the pandemic. And the lessons it has brought us.”
“I realized that life become shorter and I want to live it more by being grateful. I pray. A lot,” aniya pa.
Binanatan si Kakai ng mga netizens sa “apolitical stand” nito at tila pangdededma umano sa kalagayan ng naghihirap na mga Filipino. May mga nagsabi naman na huwag na lang daw magsalita ang komedyana kung wala naman itong maitutulong sa health crisis.
Sa pamamagitan ng Facebook, nilinaw ni Kakai ang konteksto ng kanyang tweet at nagpaliwanag kung bakit deactivated na ang kanyang Twitter page.
Aniya, “Hindi ako Pro and Anti Duterts and Pro And Anti Leni. PRO- FILIPINO at PRO- PHILIPPINES ako. Hindi ako sa tao, SA governance ako masama ang loob, MAGKAIBA YUN GUSYH. MALIWANAG yun. Susmaryosep. Wag na tayong mag-away away. GUSTo Ko din ng pagbabago.”
Esplika pa ng komedyana, “Guysh? I deactivated my twitter account ah. Ang gulo-gulo na kase. I might have hurt some people sa mga tweets ko recently pero it doesn’t mean na di ako aware sa mga nangyayare sa atin. AND OO PAGOD NA DIN AKO SA GOBYERNO naten.”
“Gusto kong malaman nyo, na hindi man pare-pareho ang opinyon naten at paniniwala ukol sa pandemic, HINDI kayo nag-iisa. Apektado din ako. TAYONG LAHAT TO. Laban naten ito.
“Kaya nga kung nasasaktan yung iba sa pagiging positive (mindset) ko sa nangyayare sa atin, Please ibigay nyo na sa akin yun kase Yun nalang ang pwede ko ding hawakan, Yung PAG-ASA.
“Gusto ko lang din ishare sa inyo yun sa mga posts ko, na kahit ganito nararanasan naten there’s always HOPE and May Liwanag padin kung we will stick to our FAITH,” lahad pa ni Kakai.
Nagpaalala rin siya sa lahat ng Pinoy sa gitna ng lumalala na namang pandemya sa bansa, “Ingatan naten ang mga isip at puso naten. Kung gusto naten magalit, or mag rant, sige ilabas naten, pero sana wag tayong Mang-away ng mga taong lumalaban din sa sarili nilang paraan.
“Juskow guysh, hindi ako privilege. Nagkataon lang na andito ako ngayon sa estadong ito pero It doesn’t mean na hindi ako NAHIHIRAPAN.
“I just want to be positive sa pag-iisip hangga’t kaya ko. Yun lang ang kaya kong ishare sa inyo, ang natutunan kong gratefulness sa kabila ng lahat. MADALI lang yun kung gugustuhin naten. Hindi ako Mayaman guysh. Masipag lang at laging naniniwala.
“Hindi ako masaya para sa nangyayare sa bayan naten. At sa mga kababayan naten. Pangarap ko lang din ang pangarap nyong maging maayos na ang lahat. Magkakaiba man tayo ng buhay at estado, pero pare Parehas tayong lahat na kumakapit. Di kayo nag-iisa ah. Wag nyong kalimutan yan,” patuloy pa niyang paliwanag.
Kasunod nito, muling nag-post si Kakai sa FB para palakasin ang loob ng mga Filipino, “Remind ko lang kayo na kapit lang. Hay. Pray pray parin. Alam ko madami nang down at galit dahil sa nangyayare, at lahat ng pwedemg positivity na mashare ay sasabihin na ‘Toxic Positivity.’ OK LANG YAN.
“Hayaan nalang natin sila, baka ganun sila magcope. Baka ganun nila harapin ang laban. Yung galit lang.
“Hindi naten sila masisisi. Maaaring grabe din ang pinagdadaanan nila, or baka sadyang nature nila yun. Ipagdasal nalang naten yan sila.
“Ang laging importante ay lalaban tayo sa bawat hamon ng buhay. LAGI NATING ITATAAS sa Panginoon. KAPIT tayo sa kanya. Kapit tayo sa ating mga mahal sa buhay, sa pag-asang meron pa tayo.
“Kaya ko laging sinasabe na sana wag na tayong magalit palagi kahit na dapat kase ang bigat nun sa dibdib, nakakastress tapos pag nagkasakit tayo, hindi naten masisiguro na kakayanin ba ng utak naten. Kaya INGATAN NYO ANG ISIP NYO AT PUSO nyo ngayong pandemic. PLEASE.
“And, iba iba man ang paraan natin ng paglaban, pwede bang pag-aralan naten na respetuhin ang bawat isa. Ako man nahihirapan sa ganyan. JUSKOPOW guysh. Kung alam nyo lang. Pero ang laki ng impact kapag, sinusubukan nating maging mabait sa isa’t isa Or maging mahinahon.
“Sinusubukan ko din guysh kahit ang dami trigger! Gusto ko pang mabuhay, ayokong magkasakit dahil sa stress ng sama ng loob. Pag sasabog na, Pray lang.
“Life became shorter and sad truth Love became harder to give. Pero, Kaya mong magbigay kung gugustuhin. Goodnight! Lablab!!!” litanya pa ng isa sa cast members ng Kapuso primetime series na “First Yaya” kung saan bida sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.