Kris pahinga sa socmed ngayong Holy Week, magpo-focus muna kay Lord

 

ANG awiting “Run To You” ni Whitney Houston ang background music sa bagong video post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram nitong Linggo ng madaling araw.

Umabot na sa 155k views ang video pero mukhang disabled ang comment section sa post ni Kris dahil kataka-taka na ni isa ay walang mababasang reaksyon mula sa kanyang followers.

Makikita sa isang larawang nasa video ang TV host na nakasuot ng orange face mask habang nasa sasakyan. Meron din silang photo ng kuya niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino noong nasa Malacañang pa.

May litrato rin ng pumpon ng pink, red, white at yellow roses, ang picture niya na nakaupo habang may hawak na script sa tabi ng mga bulaklak (naghahanda sa kanyang Facebook Live) at itong kinukuhan siya ng dugo para ma-check ang kanyang autoimmune condition.

Ayon sa mama nina Joshua at Bimby ay pass muna siya sa social media ngayong Holy Week.

Ang caption ng video ni Kris, “The songs I choose reflect what’s in my heart as we were entering another lockdown, I did feel alone in the sense that having my health problems during a surge in the pandemic was so frightening but there was no need to run.

“Hindi pa man ako bumibigay, may sumalo na to make Bimb & me feel SAFE. (Kuya Josh is in Tarlac, not part of the NCR +4 ECQ).

“I thank God for the angels He sends into our lives when we need them most we all have fears & worries, it has been more than 1 year and the rainbow still seems months away- so this feed if ever there will be updates will only highlight hope, faith, generosity, compassion, kindness, gratitude, true friendship, the importance of family, and genuine love.

“For this Holy Week, I’ll refrain from social media and focus on God’s teachings to nourish my soul so that my personal relationship with Him shall be my focus, and then I know I’ll be on the right track.

“God bless you all. Please try to read Psalm 30 and Proverbs 3. There were suggested verses in my devotionals from these particular chapters, i read and re-read both and gained much needed spiritual insight,” ang ipinost pang mensahe ni Kris para sa kanyang mga tagasuporta.

Read more...