IDOL na idol ng Kapamilya young actor na si Kyle Echarri pagdating sa pagpe-perform at pagkanta si Bugoy Drilon.
Parehong humarap sa ilang members ng entertainment media sina Kyle at Bugoy sa nakaraang Himig 11th Edition virtual presscon para sa kanta nilang “Kahit Na Masungit” na itinanghal na Second Best Song.
Si Kyle kasama si Jeremy Glinoga ang unang kumanta ng “Kahit Na Masungit” (na isinulat nina John Francis at Jayson Franz Pasicolan) para sa music video nito habang si Bugoy nga ang nag-interpret nito sa Himig 11th Edition Grand Finals.
Reaksyon ng young singer-actor matapos malamang nagwagi sa songwriting contest ang kanilang kanta, “Sobra akong nagulat. Hindi ko akalain na magiging second best song kami.
“Sobra akong nagulat but I’m very happy na naging parte ako ng kanta na ito kasi alam ko naman talaga na maganda yung kanta. I knew it had so much potential to be a winner and super happy ako na naging top two kami,” masayang pahayag ng binata.
Kasunod nga nito, nabanggit ng isa sa mga bida ng bagong inspirational series ng ABS-CBN na “Huwag Kang Mangamba” na isa si Bugoy sa mga iniidolo niya sa music industry.
“Sa mga hindi nakakaalam, si kuya Bugoy has always been one of my idols in the industry when it comes to riffs, when it comes to the way he sings.
“I’ve always been a big fan of his and super happy na siya yung kumanta para sa amin ni Jeremy. Idol ko po yan,” sey ng aktor.
Nagkuwento rin si Bugoy sa Himig 11th Edition Winners mediacon tungkol sa naging partisipasyon niya sa taunang musical event, “Actually, nu’ng gabing yun, sobrang thankful ako kina Jayson and kina John because sana nabigyan ko ng justice yung kanta and I’m really happy na nakanta ko yung kanta niyo.
“Nu’ng narinig ko yung kanta nila eksaktong I like it because it’s Tagalog and English. It’s like OPM mixed with Western kind of music that’s why I like it. It was actually very challenging for me.
“Sabi nga nila, music is music and there’s no competition when it comes to music.
“So I just have to put myself into that music and perform my best to give justice to the song and to help my brothers, my little bros,” sabi pa ni Bugoy.