Sheryn Regis natakot bumalik sa Pinas para muling kumanta: Baka wala nang nakakakilala sa akin…

INAMIN ng biriterang singer na si Sheryn Regis na totoong nagdalawang-isip siyang bumalik sa Pilipinas para ipagpatuloy ang iniwang singing career.

Baka raw kasi wala na siyang babalikan dito matapos mawala ng ilang taon at manirahan sa Amerika. Aniya, natatakot siya na baka wala nang nakakakilala sa kanya at wala nang sumuporta sa kanyang musika.

“Hesitant talaga ako bumalik because baka hindi ako i-welcome ulit o masuportahan. Baka wala na nakakakilala sa akin,” ang diretsong pahayag ng tinaguriang Crystal Voice of Asia.

Humarap si Sheryn sa entertainment media sa ginanap na virtual mediacon ng ABS-CBN music para sa bago niyang single na pinamagatang “Tulad ng Dati.”

Sabi ng Kapamilya singer, makalipas ang ilang araw na pag-iisip, mas nangibabaw pa rin ang passion niya sa pagkanta hanggang sa alukin na nga siya na bumalik sa Star Music.

“So ngayon naman, ito lang talaga ‘yung courage ko, ito na Sheryn, whatever will happen basta pinasok mo ‘yan, pasukin mo na ‘yan at dire-diretso na.

“With the support of my management, ng pamilya ko, syempre dumagdag pa na winelcome ako ng Star Music,” aniya pa.

Anytime now ay pipirma na siya ng exclusive contract sa ABS-CBN Music para sa mas marami pang collaboration. Ni-release na rin kamakalawa ang kanyang comeback single na “Tulad ng Dati.”

“Sobrang I feel so blessed. Because ‘yung pagtitiwala sa ‘kin na Sheryn can still do it. Ito rin nagbigay sa ‘kin ng boost sa confidence ko na okay Sheryn you can do that, don’t cry anymore. Ito na ‘yun.

“Of course, I thank the Lord for that kasi ang daming instrumento para tumulong sa ‘kin para mabigyan ko ng tiwala’ yung sarili ko na I can still do it, may boses pa ako,” lahad pa ni Sheryn.

Tungkol naman sa bago niyang kanya, “Ito ang unang original song ko after 10 years na nawala ako sa Pilipinas. Ito ay ang kantang maraming makaka-relate kasi maraming nakaka-relate sa ghosting at sa sakit ng pagmamahal.”

Mapapakinggan na sa iba’t ibang music streaming services ang “Tulad ng Dati” na inspired ng iba-ibang kwento ng hiwalayan ngayong pandemya.

Tampok rito ang tatak-Sheryn sa pagkanta at ang tunog na indie-pop na nagbibida sa masakit na kwento nito. Ang madamdaming ballad ay hango sa komposisyon ni Kiko Salazar na iprinodyus naman ng March On Entertainment.

Read more...