LOVI POE: Sakit lang sa ulo ang mga lalaking yan! Ayoko na!

Ayaw nang magdetalye ni Jake Cuenca kung ano ang nangyari sa naunsiyaming relasyon nila ni Lovi Poe. Pareho silang tikom ang bibig sa pagkukuwento tungkol sa kanilang special friendship.

Sey ni Jake, hangga’t maaari ay ayaw na niyang pag-usapan ang kanyang personal na buhay, ibang-iba na nga ngayon ang pananaw ng aktor. Noon kasi ay talagang ibinabandera niya ang pagmamahal kay Lovi pero ngayon ay parang iwas na iwas na siya.

“Sa amin na lang yun. Ang maganda rin kasi do’n, it was quiet when it was going on. Not because hindi na nag-work-out, idedetalye nang lahat. Mas okay na yung ganito na lang na kami lang ang nakakaalam para wala na lang issue, tahimik na lahat,” pahayag ni Jake.

Hindi rin daw totoo na nag-iiwasan sila ni Lovi dahil hindi naman daw sila magkagalit, “Kung magkita kami, nag-uusap kami. But we don’t see each other as often anymore.” Sa ngayon ay very much single si Jake, wala rin daw siyang nililigawan.

Para naman kay Lovi Poe, wala na rin daw dapat pag-usapan tungkol sa nakaraan nila ni Jake Cuenca. Ayaw na rin niyang mag-comment sa isyung si Rocco Nacino ang dahilan kung bakit binasted niya si Jake.

Sey ni Lovi na magbibida na uli sa GMA Telebabad series na Akin Pa Rin Ang Bukas simula ngayong gabi, magkaibigan pa rin sila ni Jake at hindi naman daw siya nagmamadaling magkaroon ng bagong boyfriend.

“We’re all good friends. Not true (iniwan si Jake dahil kay Rocco). Yung sa amin ni Jake, I’m still happy that we’re still good friends now.

Work talaga ang inaatupag ko ngayon, ayoko kasing magkaroon ng problema along the way. Napakalaking project ng Akin Pa Rin Ang Bukas kaya dito ko kuna ibibigay lahat ng atensiyon ko,” sey ng aktres.

Natanong din si Lovi tungkol sa pag-amin ni Jake na tumagal ng isang taon ang relasyon nila? “I don’t know. I haven’t read anything yet.” Kasabay nga nga pagtanggi na si Rocco ang third party sa break-up nila.

“No, mahirap kasing magsalita about that. Pero si Rocco, matagal ko na siyang kaibigan and it’s very different, malayo. At parehas naman malalim ang friendship namin.

Kami kasi ni Rocco, ilang years na kaming magkaibigan. Si Jake din, nang makilala ko siya, naging close din kami agad.”

Pero sino nga ba ang mas malapit sa puso niya ngayon? “I can’t answer that… neither. If we’re gonna talk about love angle, it’s not my time talaga. I’m too tired sa trabaho to actually insist lovelife, sakit sa ulo yun.”

( Photo credit to Google )

Read more...