BILLY: Mas gusto ko nang tawaging PLAYBOY kesa BAKLA!

KUNG si Billy Crawford ang tatanungin gusto niyang maging kaibigan uli ang dating girlfriend na si Nikki Gil, pero hindi naman daw yun ganu’n kadali.

Sey ng TV host-actor, hindi niya kontrolado ang mga bagay-bagay sa kanyang paligid at kahit daw gustuhin niya na maging malapit uli sila sa isa’t isa ni Nikki, pero kung hindi ito mangyayari, wala rin siyang magagawa.

Sabi nga ni Billy sa isang interview, “Only God can tell, di ko alam. Never naman akong nagsasarado ng pinto sa kahit na ano.” Ibig sabihin, open pa rin siya sa posibilidad na magkabati sila ng ex-girlfriend but he could only wish for the best.

Siniguro naman ni Billy na hanggang ngayon ay malaki pa rin ang respeto niya para kay Nikki, “Oo, yung respeto ko sa kanya. Much better na siguro we should leave that situation alone, tama na yun.”

Isa pang pinagtatawanan na lang ni Billy ay ang hindi mamatay-matay na isyung isa siyang bading kaya hiniwalayan siya ni Nikki. Kung noon ay babaero o playboy ang tawag sa kanya, ngayonnaman ay kinukuwestiyon ang kanyang pagkalalaki.

“Heto nga ang nakakatawa, e. Sabi bakla na ako, na-link ako sa dalawa o tatlo pang babae, na addict daw ako, sunud-sunod na lang, inaabagan ko na lang kung ano pa ang susunod.

Bakla, in fairness, yun ang unang-una na natawa ako. Nu’ng bumalik ako sa States, yung Mommy ko, Daddy ko nasa airport, pagsalubong sa akin, sabi ng Mommy ko, ‘

Ay bakla na ang anak ko, halika! Nakakatawa lang!” ang chika pa ni Billy sa nasabing interview. Sey pa ng TV host, mas gusto na raw niyang tawaging playboy kesa sa bakla, pero wala naman saw siyang magagawa sa opinyon ng ibang tao, kaya nga mas pinili na lang niya ang manahimik dahil alam niya na kahit ano pang gawin niyang paliwanag, paniniwalaan pa rin ng ibang tao ang gusto nilang paniwalaan.

“I really can’t control other people’s reactions. People will say whatever they want to say and nasa kanila kung ano ang gustong isipin nila, they already judge anyway so it’s okay,” aniya pa.

Na-link din si Billy kay Andi Eigenman na siyang naiturong rason daw sa break up nila ni Nikki. Emosyunal na klinaro naman ni Andi na wala silang naging relasyon ni Billy.

Agad naming tinanong si Billy kung humingi din ba siya ng sorry kay Andi gaya ng ginawa niya kay Coleen Garcia na minsan ding naituro na naging third party diumano sa break-up nila ng ex-girlfriend?

“Oo nga e, magkasama lang kami sa pelikula, issue na agad? Of course kung sinuman ang mali-link sa akin I’m sorry that they got in this situation. Di ko makontrol ang mga tao, wala,” sey pa ni Billy Crawford.

( Photo credit to Google )

Read more...