Sinabi ng CHED na nakapasa sa retrofitting at health standards ng CHED, Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang nasabing bilang ng unibersidad.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Mariano Marcos State University – Batas (Region 1)
– St. Louis University (CAR)
– Our Lady of Fatima University – City of San Fernando (Region 3)
– Ateneo School of Medicine and Public Health (NCR)
– University of Santo Tomas (NCR)
– University of East Ramon Magsaysay (NCR)
– Our Lady of Fatima University – Quezon City (NCR)
– Our Lady of Fatima University – Valenzuela City (NCR)
– Manila Central University (NCR)
– Adventist University of the Philippines (Region 4)
– De La Salle Health and Medical Science Institute (Region 4)
– University of Perpetual Help – Don Jose (Region 4)
– Our Lady of Fatima University – Sta. Rosa (Region 4)
– Naga College Foundation (Region 5)
– West Visayas State University (Region 6)
– Central Philippine University (Region 6)
– Cebu Institute of Medicine (Region 7)
– University of Cebu School of Medicine (Region 7)
– Iloilo Doctors’ College of Medicine (Region 6)
– University of Iloilo (Region 6)
– Blancia Foundation College, Inc. (Region 9)
– Xavier University (Region 10)
– Liceo de Cagayan University (Region 10)
– University of the Philippines – Manila (NCR)
Prayoridad sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes ang ilang health-related degree programs tulad ng Medicine, Nursing, Medical Technology/Medical Laboratory Science, Physical Therapy, Midwifery at Public Health.
Paliwanag ng CHED, ito ay upang makapagbigay ng learning outcomes sa mga estudyante sa laboratory courses at hospital-based clinical internship o practicum at upang magkaroon ng dagdag na manpower sa health system ng bansa.
Ayon kay CHED chairman Prospero De Vera III, “These HEIs have fully complied with the CHED-DOH guidelines and have been inspected by CHED and their LGUs so they can now bring their 3rd and 4th year students for hands-on training and laboratory classes in a limited face-to-face classes.”
Kampante aniya siyang makapagbibigay ng ligtas na espasyo ang mga kolehiyo at unibersidad para sa kanilang mga estudyante sa mga susunod na buwan.
Patuloy aniyang tututukan ng komisyon ang mga HEI.
Samantala, anim na HEIs ang nakipag-ugnayan sa local government upang magsilbing vaccination center ang kanilang pasilidad sa unang wave ng vaccination.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– University of Santo Tomas Hospital (NCR)
– Manila Central University Gymnasium (NCR)
– St. Louis University Baguio Gymnasium (CAR)
– De La Salle Health and Medical Science Institute (Region 4)
– Our Lady of Fatima University (NCR)
– Central Philippine University (CPU)
Hinikayat naman ang iba pang HEIs na ialok ang kanilang pasilidad para sa expanded vaccination sa mga senior citizen, essential worker, mga guro at government worker simula sa 2nd quarter ng 2021.
Hiniling din ni De Vera sa mga LGU na isama sa kanilang vaccination list ang HEI faculty, staff at mga estudyante na mag-aasiste sa programa.
“This is also the reason why President Duterte approved limited face-to-face classes – because our HEIs can help in the government’s vaccination program,” saad pa nito.