Cherry Pie tinamaan din ng COVID; umaming naging matigas ang ulo

SANA hindi ang “Walang Hanggang Paalam” ang seryeng tinutukoy sa mga blind item kung saan ilang cast members daw ang nagpositibo sa COVID-19 kaya may cycle na huminto sa taping since naka-lock-in sila.

Alam naming matagal nang tapos ang “WHP” kaya posibleng hindi nga ang seryeng ito ang nasa blind item. At dahil kaka-post lang ng isa sa cast ng programa na si Cherry Pie Picache na nagka-COVID siya ay bigla ulit kaming napaisip.

Nag-post si Pie ng larawan niya sa kanyang Instagram account kalakip ang panalangin mula kay Padre Pio.

Ang caption ni @yescppicache, “I was not sure if I should post, though after reflecting and praying maybe it will be of help, send a little ray of hope and inspiration, a way to express my gratefulness and to always simply and honestly share a concrete testimony of God’s gift of faith and to just trust His loving mercy to heal and restore.

“To each of my prayer warriors, my family and dearest friends, my Dreamscape and ABS-CBN family, doctors, you know who you are.

“I will forever be thankful, grateful and I am blessed to have all your love, support and help in one of my yet again, tough, painful and scariest 3-week battle. Kahit po naging matigas ang ulo ko dahil ayaw pa-hospital.

“Anak, I am a blessed mother for having such a patient, loving, kind son. Thank you for taking good care of me. I know ‘twas not easy @niotria.

“Bayz @thejozen_1 , thank you for all your prayers, reading to me the Word of God and my lullaby( through phone) in one of my most difficult nights. To my sweet Jesus, my Divine mercy, my Padre Pio @sanpadrepioph and my Mama Mary,” pahayag pa ng aktres gamit ang hashtags #isurvivedcovid19, #isurvivedpneumonia, #boostyourimmunesystem, #staysafe #observeprotocols, #stayhome #wearamask at #drinkyourvitamins.

Marami namang sumuporta kay Cherry Pie tulad ni Julia Montes na nagsabing, “Amen!!!! Thank you LORD.”

Nagkasama sina Julia at Pie sa seryeng “Asintado” (2018) at sa pelikulang “The Strangers” (2012).

Praying emoji naman with heart ang comment ni Erich Gonzales sa post ni Cherry Pie. Nagkasama ang dalawa sa seryeng “The Blood Sisters.”

Sabi naman ni Jackielou Blanco, “Praying for you Pie (kiss emoji).”

Mensahe naman ni Father Tito Caluag, “Prayers for complete recovery and protection.”

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring nagpapahinga ang aktres pagkatapos nilang mag-taping para sa seryeng “Walang Hanggang Paalam” na magtatapos na ngayon handog ng Dreamscape Entertainment.

Read more...