RAYVER natuyot matapos pagsawaan ng ex-GF

Dati feel na feel namin itong si Rayver Cruz – love namin ang batang ito, malambing and all pero eventually, parang nawawala na siya sa aming system.

We would fight for him before pero para siyang nag-alienate sa amin kaya nawala siya sa aming consciousness. Probably because he’s just too busy to care. How does he look kaya now?

Kasi dati, ang guwapo-guwapo ng batang ito, pero mukhang guwapo pa rin naman siya kahit papaano sa nakita naming pics of him sa promo ng kaniyang bagong soap with ex-gf Cristine.

Kaya lang, mukhang mas ma-appeal pa sa kanya ngayon ang kapatid niyang si Rodjun Cruz na dati’y dinadaan-daanan lang namin. Siguro ay marunong lang magdala si Rodjun kaya mas naalagaan niya ang kanyang sarili.

To die for ang katawan ni Rodjun nang makita namin unlike Rayver. Dati titilam-tilam kami talaga kay Rayver pero ngayon ay para na siyang wasted, parang inubos siya ni Cristine. Ha-hahaha!

Hopefully ay makaalagwa ulit si Rayver. Sana ay mabigyan ulit siya ng malaking space sa industry nating ito. Feeling namin ay nasayang siya nu’ng maging sila ni Cristine but who are we to say so?

Hindi naman natin maibibigay ang kaligayahan ng bata unlike when he was with Cristine. Cristine obviously made his world go round. Agree? Well, may bago siyang serye ngayon kasama si Cristine at Gerald Anderson.

At balita namin, maganda naman ang exposure niya rito. Sana nga.

( Photo credit to Google )

Read more...