Bashers halos isumpa sina Derek at Ellen: ‘Hindi rin kayo magtatagal for sure!’

WHY is it that every time na magpo-post sina Derek Ramsay and Ellen Adarna sa kani-kanilang Instagram account ay hindi nawawala ang bashing?

Sa kanyang Instagram account, nag-post uli si Derek ng bagong photo niya with Ellen. Super smile pa ang dalawa sa harap ng camera.

Hindi rin nagpaawat si Ellen and she posted the same photo sa kanyang Instagram account.

And sweet as they are, nagpalitan pa ng “I love you” ang magdyowa sa comment section.

Of course, may mga natuwang fans sa kanilang sweet gesture sa isa’t isa.

“Sa lahat ng naging gf ni @ramsayderek07 kay @maria.elena.adarna lang talaga ako kinilig ng bongga ramdam mo na totoo bagay na bagay cla. Wala clang tinatago sa isat isa perfect couple. Love both and godbless.”

“First time ko mainlove sa couple at kayo yun guys, praying na until the end of the world na yan.”

“Gust0 k0 kayo mag jowa maganda chemistry niy0 pair up.”

“Grabe yung pagka inlove ng mata ni ellen eh!”

“Sana all. Keep the love burning. Notice me crush. Stay safe guys. @ramsayderek07 lods yan si ellen since day one @maria.elena.adarna”

Pero as expected may mga nagmaasim at nagtaray sa celebrity couple.

“DI RIN KAYO MAGTATAGAL FOR SURE!

“Do you want to make Andrea Torres jealous that’s why you keep posting? I hope you are not making Ellen just panakip butas.”

“In times of suffering, always remember this. You may never change the past, but you can always change the oil.”

Bakit nga ba parang galit na galit ang netizens sa couple na ito?  Parang lahat na lang ng i-post nila ay may ballistic reaction ang netizens na parang nakagawa sila ng isang krimen.

Read more...