Julie Anne type jowain ni David: Maganda, magaling kumanta, masipag, passionate at sexy!

DIRETSAHANG sinabi ng Kapuso hunk na si David Licauco na type niyang jowain ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose.

Walang kagatul-gatul na “jojowain” ang sagot ni David nang tanungin siya mismo ng kanyang leading lady sa seryeng “Heartful Café” sa kanilang”Jojowain o Totropahin Challenge.

“Type naman kita, a! Maganda, cute, magaling kumanta, masipag, passionate at sexy!

“Ano pa ba? Ayun! Basta satin-satin na lang muna, next time ko na lang sabihin sa ‘yo ‘yun,” pag-amin ni David sa isang video na in-upload sa GTV Facebook page.

Kasunod nito, tinanong din ni David si Julie Ann kung ganu’n din ba ang nararamdaman ng dalaga sa kanya. Sey ng Kapuso star, “Ha? Hmmmm, jojowain.”

Kaya naman muling kinilig ang kanilang mga fans na atat na atat nang mapanood ang kanilang upcoming series sa GTV at ang wish nila sana raw ay magkadebelopan din ang dalawa at mauwi na sa totohanan ang kanilang relasyon.

Kung matatandaan, matagal nang sinasabi ng Kapuso actor na humahanga siya sa kanyang leading lady sa “Heartful Café.” Hindi lang daw kasi maganda at talented ang dalaga, napakabait at napakasipag pa raw nito.

“She’s very nice. As we all know maganda naman talaga si Julie and she’s very talented.

“But ang pinakahinangaan ko sa kanya is ‘yung mood n’ya at 8 a.m. is not different from ‘yung mood n’ya at last scene which is around 1:30 a.m. I think that says a lot about her na masipag talaga siya at gusto niya ‘yung ginagawa n’ya.

“Sinabi ko nga sa kanya ‘yun, e. Na parang ang galing at ‘di ko siya nakita ever na sumimangot. Kasi minsan naman talaga nakakapagod at ‘di naman madaling maging artista.

“So minsan, may mga ilan na napapakita ‘yon. Pero si Julie, same lang ‘yung vibe niya from 7 a.m. to 2 a.m. the next day,” pahayag ng binata.

Kamakailan, pinakilig din nina Julie Anne at David ang mga netizens nang mag-post si David ng litrato nila ng dalaga sa Instagram na may caption na, “Hi Heart.” Sinagot naman ito ni Julie Anne ng, “Hi Ace.”

Pinusuan at ni-like ito ng kanilang social media followers hanggang sa tawagin na nga ang tambalan nila ng “JulieVid” na pinagsamang Julie at David.

Sa “Heartful Café” gaganap si Julie Anne bilang si Heart Fulgencio, isang online romance novelist na magiging cupid sa ilang customers sa kanyang coffee shop business.

Sa kuwento, makikilala n’ya si Ace Nobleza, na gagampanan ni David, isang goal-driven person na magiging co-investor n’ya sa café.

Mapapanood na very soon ang “Heartful Café” sa GTV kaya abangan!

Read more...