Sanya nagbilad ng kaseksihan sa resort ni Gabby; ‘I Can See You’ nina Ruru at Shaira trending agad

LALONG pinainit ng Kapuso star na si Sanya Lopez ang summer season sa kanyang pasabog na sexy pictorial sa dagat.

Nag-post ang dalaga ng mga bagong bikini photos sa kanyang Instagram account kaya siguradong napanganga na naman ang kanyang mga male fans.

Kuha ang mga litrato ni Sanya sa beach resort sa Batangas na pagmamay-ari ng kanyang “First Yaya” leading man na si Gabby Concepcion.

Nagsilbing pahinga ito ng cast members sa tatlong sunud-sunod na lock-in taping bila para sa bagong Kapuso primetime series.

Kasama ang co-star na si Kakai Bautista, nagtampisaw ang dalawa sa dagat at talaga namang pinusuan ng fans ang kanilang mga post sa social media.

Daan-libong likes at mga papuri sa comments section ang natanggap ni Sanya. Sey ng karamihan, blooming ang aktres at bagay na bagay sa kanya ang suot na swimsuit.

Kasalukuyang napapanood si Sanya as Yaya Melody katambal si Gabby bilang si President Glenn Acosta sa “First Yaya” gabi-gabi sa GMA Telebabad.

* * *

Umani ng positive feedback mula sa netizens at viewers ang unang episode ng ikalawang season ng “I Can See You” na “On My Way To You” na nagsimula na nitong Lunes.

Tampok sa mini-series ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Gil Cuerva, Arra San Agustin, Ashley Rivera, Malou de Guzman at Richard Yap.

Kuwento ito ng isang viral runaway bride na makikilala ang isang lalaking tinakbuhan naman ng kanyang bride-to-be.

Aprubado sa netizens ang kakaiba at nakaaaliw na kuwento ng series matapos mag-trend sa Twitter ang #ICSYOnMyWayToYou.

Comment nga ng isang Twitter user, “I love how GMA mastered the art of romcoms and light romantic series. #ICSYOnMyWayToYou.”

Subaybayan ang nakakakilig na tambalan nina Shaira at Ruru sa “On My Way to You”, 8:50 p.m, sa GMA Telebabad.

Read more...