Vin umaming pinagselosan si Derek; Sophie naloka sa 'malanding' aktres | Bandera

Vin umaming pinagselosan si Derek; Sophie naloka sa ‘malanding’ aktres

Ervin Santiago | March 23,2021 - 12:59 PM

DIRETSONG inamin ng Kapamilya hunk actor na si Vin Abrenica na pinagselosan niya noon si Derek Ramsay.

Depensa ng aktor, may valid reason naman daw siya kung bakit nakaramdam siya ng selos kay Derek noong bago pa lang silang magkarelasyon ng kanyang fiancé ni Sophie Albert.

Sa part 2 ng Q&A vlog nila ni Sophie sa YouTube, ipinaliwanag ni Vin kung bakit ganu’n ang naramdaman niya kay Derek at kung saan siya nanggagaling.

“I have a reason why. Boys would understand me on this, even girls. We were together, we were already dating, we were boyfriend and girlfriend.

“So, ano lang, linawin ko lang ha, I have nothing against Derek. Derek’s a good friend of mine. Tropa talaga ‘yan,” pahayag ng utol ni Aljur Abrenica.

Naaalala pa ni Vin ang araw nu’ng nagsisimula pa lang ang love story nila ng kanyang fiancé at natanong ang aktres kung may dine-date na siya that time sa mismong harapan nila ni Derek.

“Si Bianca, tinanong niya back then, ‘Do you have a boyfriend?’ And you know what she (Sophie) said? ‘I’m seeing somebody,'” ani Vin kasabay ng pagsasabing sana raw ay ibinandera na nito ang tungkol sa kanila dahil baka ang isipin ng iba ay si Derek ang tinutukoy niya.

Depensa naman ni Sophie, hindi pa raw sila umaamin sa publiko noong mangyari yun kaya nagpaka-safe na lang siya sa kanyang sagot.

“I wasn’t close to Derek. It was like the first time I had a conversation with him or I met him. So siyempre, I said, ‘I’m seeing someone.’

“For me nga, that was my way of being loyal na, ‘I’m seeing someone’ instead of saying, like, ‘I’m single,'” paliwanag ng bagong-panganak na aktres.

Samantala, inamin din ni Sophie na may isang aktres din siyang pinagselosan na nakatambal ng aktor sa isa niyang proyekto. Ngunit tumanggi siyang pangalanan ang nasabing female star.

“There’s this girl kasi na nakita ko, mine-message niya ‘to tapos tinatawag niyang baby. So of course, it would piss me off.

“Like I never experienced any of my onscreen partners have a pet name for me or call me baby. So parang, anong landian na nanaganap dito?” diretsahang chika ni Sophie.

Esplika naman ni Vin, “I am the youngest kasi that time. Everybody calls me baby on the set. Baby boy ganyan. And you know that, I’m the youngest on the set.”

Vin, 29, and Sophie, 30, have been dating since 2013, a year after they met as contestants in TV5’s reality talent search Artista Academy.

Last month, inihayag ng magdyowa ang kanilang engagement kasunod ng balitang buntis na si Sophie. Nito lang March 15 ay nanganak na ang aktres sa panganay nila ni Vin.

Ayon sa aktor, talagang nagulat siya noong malaman niyang magiging tatay na siya. Nasa lock-in taping daw siya nu’ng araw na yun, “Dude crazy, man. Sa totoo lang, na-shock lang talaga ako.

“Si Sophie, tinawagan niya ako, nag-video call kami. Sabi niya, ‘I have to tell you something.’ Nag-pause na ‘ko tapos nagdire-diretso na siya na, ‘Yeah, I’m pregnant.’

“Pero ako, honestly, narinig ko lang ‘yung ‘Bub, I’m gonna tell you something.’ Tapos nag-space out na ‘ko,” sabi pa ni Vin.