MISS na miss na agad ni Rhian Ramos ang co-star niya sa seryeng “Love Of My Life” na si Coney Reyes na nagtapos na nga last Friday.
Ayon sa Kapuso actress, hindi lang basta katrabaho ang turing niya ngayon sa award-winning veteran actress dahil sa dami ng natutunan niya noong magkakasama sila sa lock-in taping.
Sabi ni Rhian sa panayam ng GMA, “I love being on set with Tita Coney, she really, really is such a joy to work with.
“She’s very generous, in terms of kung ano ‘yung mapupulot mong wisdom from her life’s experiences, and I feel that everything happens for a reason because I felt so lucky, honored, and blessed to be in one place with her kasi I was also personally working on my spirituality at that time.
“I’m trying to learn so much and she has such a wealth of lessons,” chika pa ni Rhian.
Isa pa sa mga hinahanap-hanap ng aktres ngayong tapos na ang serye nila ay ang mga masaya at nakabuluhang kuwentuhan nila, lalo na kapag ipinagdarasal na sila ni Coney sa set.
Kuwento pa ng dalaga, “If you have a question to ask, she’ll never stop giving you as much as she possibly can to help.
“So minsan pinagpe-pray n’ya pa kami and it was really nice. Actually I miss that until now,” sey pa ng Kapuso star.
Dugtong pa niya, “She told me after the lock-in taping, ‘Anytime, you wanna text me, I’m not gonna promise I’m gonna reply within five minutes but I will always reply.
“It may be anytime of the day but just ask me anything I will always, always respond.’ She really tries to be there for everyone,” sabi pa niya.
Samantala, todo pa rin ang pasasalamat ni Rhian sa lahat ng sumuporta kay Kelly, ang karakter niya sa “Love Of My Life.”
Mixed ang reaction ng mga manonood sa ending ng kuwento kung saan si Kelly ang pinakasalan ni Nicolai (Mikael Daez) sa halip na si Adelle (Carla Abellana).
Ani Rhian, “Aminin natin, sa unang part na umere bago mag-quarantine, nakakainis talaga s’ya and pagdating dito ngayon, and I’m seeing the audience reactions, parang nakikita natin na binibigyan nila ng chance lahat.
“Alam mo ‘yun, every character here makes mistakes pero nagagawa ng audience namin na intindihin ang bawat sila sa kanila at kung ano ‘yung pinanggalingan nila,” sabi ni Rhian.
Naniniwala rin ang dalaga na napakaraming life lesson ang naibahagi ng “Love Of My Life” sa mga manonood, lalo na sa mga pamilyang Pinoy.
“Walang pamilyang perpekto pero, at the end of the day, ang importante ay pamilya sila.
“They are still on each other’s side and they want what’s best for each other after all of that, that’s all what we experience, I think, during quarantine.
“Wala talagang pamilyang perpekto pero united pa rin in a way,” diin pa niya.