‘Marupok’ ni KZ waging Best Song sa Himig 11th Edition; ABS-CBN, Kumu nagsanib-pwersa na

WAGI ang kantang “Marupok” bilang Best Song sa Himig 11th Edition songwriting contest ng ABS-CBN at Star Music.

Ang “Marupok” ay isinulat ni Daniella Ann Balagtas at in-interpret ni KZ Tandingan. Ito ang nakakuha ng  grand prize na P300,000 na may kasama pang house and lot.

Bukos dito, ang “Marupok” din ni KZ ang nakakuha ng MYX Choice para sa Best Music Video.

Ang 2nd Best Song naman ay ang “Kahit Na Masungit,” mula sa composition nina John Francis at Jayson Franz Pasicolan and performed by Jeremy G and Kyle Echarri habang ang 3rd Best Song naman ay napunta sa isinulat ni Dan Tanedo na “Ibang Planeta” na kinanta ni Zild.

Winner naman bilang 4th Best Song at 5th Best Song ang mga isinulat ni Kenneth Reodica na “Ang Hirap Maging Mahirap” (performed by Davey Langit ft. Kritiko) at ang komposisyon ni Daryl Cielo na “Kulang Ang Mundo” (performed by Sam Mangubat).

Nanalo rin ang kanta ninSJ Gandia na “Tinadhana Sa ‘Yo” bilang MOR Entertainment Choice at TFC Global Choice, habang ang isinulat ni David Mercado na “Kahit Kunwari Man Lang” ang tinanghal na Most Streamed Song.

Ang composition ni Mariah Moriones na “Tabi-Tabi Po” naman nanalong Himig TikTok Choice.

Ang Himig 11th Edition songwriting contest ay ginanap kagabi via KTX and hosted by Jona, Jayda and Edward Barber.

* * *

Mas lalo pang nagliwanag ang Pinoy community platform na Kumu sa pagdagsa ng mas maraming Kapamilya stars para sa ginanap na “Big 4 Hours with Kumu All Stars” digital event.

Ito na ang hudyat ng bagong pagtutulungan sa pagitan ng ABS-CBN at Kumu.

Napanood sa Kumu at Facebook account ng Star Magic ang digital show tampok ang Big 4 at iba pang ex-housemates ng “Pinoy Big Brother Connect,” ang mga P-Pop group na BGYO, BINI, at MNL48, at marami pang mga bituin mula sa Star Magic, Star Hunt, Polaris (It’s Showtime talents), Star Music, at RISE Artists Studio.

Noong Lunes, inanunsyo ng ABS-CBN at Kumu ang kasunduan para sa paghahatid ng liwanag at ligaya ng mahigit 100 na Kapamilya stars sa Kumu.

Parehong nagpapasalamat sina ABS-CBN head of digital Jamie Lopez at ang Kumu sa muling pagtutulungan ng dalawang kumpanya na parehong may layuning magbigay ng magandang palabas at karanansan sa mga tao.

Ayon naman kay ABS-CBN head of entertainment production at Star Magic head Laurenti Dyogi, ang fans ang pinakapanalo sa kasunduang ito dahil mas marami na silang oportunidad na mapanood at “makasama” ang kanilang mga paboritong artista nang mas natural at personal tuwing nagsi-stream sila sa kanilang mga opisyal na Kumu accounts.

Aniya, may mga artista na silang napapanood sa Kumu pero mas dadami pa ang aabangan na stars ng Kumunizens dahil sa bagong partnership na ito.

Lumahok sa isang ceremonial signing si Direk Lauren kasama ang president ng Kumu na si Rexy Josh Dorado sa pagtatapos ng “Big 4 Hours” event.

Bago ito, nagsanib-pwersa na rin ang dalawang kumpanya sa paglunsad ng “PBB Connect” at sa pagbabalik ng sikat na game show na “Game KNB.”

Read more...