True ba, Barbie napamura matapos totohanin ni Heaven ang sampalan nila sa serye? | Bandera

True ba, Barbie napamura matapos totohanin ni Heaven ang sampalan nila sa serye?

Alex Brosas | March 22,2021 - 10:45 AM

NAG-REACT si Barbie Imperial tungkol sa sampalan nila ni Heaven Peralejo sa teleserye nilang “Bagong Umaga”.

Hindi nagustuhan ni Barbie na tila tinototoo ni Heaven ang pagsampal sa kanya ni Heaven.

“Never in my whole acting life may sumampal sa kin na nagpasa sa mukha ko. Na kahit paulit-ulit mo i-remind na masakit na, gagawin pa din.

“Buong buhay ko sa showbiz wala akong nakaaway na katrabaho ko. Ang hirap kumalma. T*ng i*a.”

That was Barbie’s reaction which surfaced sa isang website.

Nag-react din si Barbie sa isang staff ni Heaven and said, “I keep my mouth shut kahit marami akong nakita. So sige, Candy. Make sure to say this at my face when I see you at taping next week.”

Nag-post kasi ng message na ganito ang staff ni Heaven, “Me reading comments sa article. Nakakatawa nag backfire. For me lang kapag hindi kayo kasali sa issue huwag kayo sawsaw lalo na kapag WALA KAYONG PROOF!”

Ito’y dahil nga sa naging reaction ni Barbie sa cryptic messages nina Chie Filomeno and Ricci Rivero.

Ito yata ‘yung tsismis na sinasabing si Heaven ang third party sa hiwalayan nina Devon Seron at  Kiko Estrada.
Nag-issue na ng statement si Heaven na hindi siya ang third party sa break-up ng dalawa.

Napagbintangan kasi si Heaven na siya ang third party dahil sa isang “Jojowain o Totropahin” segment ng kanyang YouTube channel ay inamin niyang crush niya si Kiko.

Anyway, tuluyan na kayang mauwi sa hiwalayan sina Tisay (Heaven Peralejo) at Ely (Tony Labrusca) sa “Bagong Umaga”?

Nagkakaproblema na ang magkasintahan matapos mamatay ang kapatid ni Ely na si Gab (Ali Abinal) matapos mabangga ng kotse ni Ian (Cris Villanueva).

Ayaw tanggapin ni Ely ang paliwanag ni Ian na may drogang iniligay sa kanyang sasakyan kaya siya nahilo habang nagmamaneho. Paninindigan naman ni Tisay na walang kasalanan ang tunay na ama sa binibintang ng kasintahan.

Hindi nila alam na kagagawan ito ni Diana (Glydel Mercado) dahil inutusan nito si Cai (Barbie Imperial) na patayin ang CCTV sa bahay nina Ian para nga ma-lagyan ng pampatulog ang kotse ni Ian.

Lubos naman ang takot at pagsisisi ni Cai dahil pumayag siyang maging kasabwat sa plano ni Diana.

Kainin kaya si Cai ng kanyang konsensya at isiwalat ang plano nila ni Diana? Paano naman kaya mapapatunayan nina Ian at Tisay na frame-up lang ang nangyari? Ito na ba ang katapusanan sa pagmamahalan nina Tisay at Ely?

Huwag palampasin ang ang mga susunod na tagpo sa “Bagong Umaga,” na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m. sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).