Kris kay Duterte: Never ko siyang binanatan, kaya sa mga DDS, walang reason na maging magkaaway tayo

BUKOD sa pagtatanggol sa mga anak na sina Joshua at Bimby mula sa mga malilisyosong balita, sinagot din ni Kris ang iba pang kontrobersyang kinasasangkutan niya ngayon.

Kabilang sa mga nilinaw ng Queen of All Media ay ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Herbert Bautista, ang pag-alis sa kanila ni Bincai Luntayao makalipas ang mahabang panahon at ang pagtakbo umano niya sa darating na Eleksyon 2022.

Sa pamamagitan ng kanyang 25-minute (tell-all) speech na mapapanood sa Facebook at Instagram, isa-isang nilinaw ng TV host-actress ang mga nasabing isyu.

Unang inamin ni Kris na totoong nag-try silang mag-reconnect ni Bistek at talagang humingi raw muna siya ng permission sa bunsong anak na si Bimby para rito.

“To quote my son, noong pinag-uusapan namin, sinabi niya, ‘I can see how you still look at him. You do not look at other the way you look at him. If he is your happiness, then he has my vote,’” pahayag ni Kris.

Ngunit kahit na aprubado na kay Bimby ang dating mayor ng Quezon City, may kanya-kanya pa rin silang buhay ngayon at ipinagdiinan niya na iniwan na nila ang bahay nila sa Quezon City.

Kaya sabi ni Tetay, huwag na raw lagyan ng kulay-politika ang relasyon nila ng actor-politician, “His political plans, whatever plans he has, they are his own.”

Tungkol naman sa staff niyang si Bincai na ilang taon ding nagsilbi sa kanilang mag-iina, hindi na raw talaga niya napigilan ang pag-alis nito

“Naiintindihan ko kahit very generous ako, gusto rin naman niyang mag-asawa, magka-family and siguro matanggalan ng 24/7 na responsibility of taking care of me,” paliwanag ni Kris pero nilinaw niya na maayos ang paghihiwalay nila ni Yaya Bincai.

Samantala, rumesbak din si Kris sa mga taong patuloy na nagsasabing pera ng bayan ang ginagamit niya sa ginagawang pagtulong sa mga Filipino kapag may mga krisis at kalamidad.

“Hindi po ako kagaya ng iba. Hindi po ako epal. Wala po akong agenda. Tumatanaw lang ako ng utang na loob because my mom taught me, ‘There would be no Kris Aquino if Filipinos did not support or believe in you.’

“Mas lalong hindi po ako kagaya ng iba kasi ako po, nagbibigay galing sa bulsa ko,” pagtatanggol pa ni Kris sa sarili.

Diin pa ni Kris, patuloy siyang nagbabayad ng tamang tax sa gobyerno at wala siyang masamang record sa alinmang sangay ng pamahalaan.

Bukod dito, sinabi rin ng TV host na wala siyang “party affiliation” pero kilala niya ang mga taong walang tigil na bumabanat sa kanyang pamilya at hindi raw kasama rito si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Who actually benefits by erasing the legacy of my parents? Sino ang nagtanggal ng freedom of speech sa Pilipinas? Sino ang nagpakulong at nagpapatay kay Ninoy Aquino?

“I have no party affiliation. Pero alam ko kung sino ang napatalsik at gustung-gusto kaming gantihan dahil kulang para sa kanila na pinapatay na nila ang dad ko.

“That is not President Duterte, because alam ko never ko siyang binanatan. So para po sa mga DDS, wala tayong reason na maging magkaaway,” paliwanag ni Tetay.

At sa lahat ng mga nagpapakalat ng  fake news para wasakin ang kanyang pangalan at sa pambu-bully sa kanyang mga anak ito ang pagbabanta ni Kris, “Tama na. Sobra na. Lalaban na.”

Aniya, nagdesisyon siyang magsalita na para na rin sa lahat ng ginawang sakripisyo ng kanyang mga magulang para sa Pilipinas. Inalala pa niya ang isang eksena noong bata pa siya at kasagsagan ng pamumuno ng dating Pangulong si Cory Aquino.

“Sumabog yung kotse sa labas ng bedroom ko. Ang lakas na po ng barilan sa labas. Tumakbo papasok sa kwarto ko na walang bulletproof glass ang mom ko at si Noy. Bago inisip ng nanay ko ang sarili niya, inuna niya to secure me,” pagbabalik-tanaw ni Kris sa kadakilaan ng yumaong ina.

“I am not here to attack but you leave me no choice but to defend. Alam ko naman, eh. Hindi na ‘ko tatantanan kaya habang may freedom of speech pa, magtiisan na lang tayo.

“You can and you will attack me but karapatan ko ipaglaban ang dignidad at pagkatao nung mga mahalaga sa akin,” ang matapang na sabi pa ni Kris.

Nauna rito, ibinahagi nga ni Kris ang kanyang pahayag tungkol sa tsismis na nakabuntis si Joshua at sa pagtawag ng ilang bashers kay Bimby ng bading.

“Nanay ako na binabalahura na ang mga anak. Sinubukan ko to shut up para ‘wag na ‘tong humaba but shutting up caused me even more stress.

“In just one week, OA sa pagka-malicious ang pag-target sa panganay at sa bunso ko. Inisip siguro kung mag-imbento tungkol sa panganay at tawaging bakla yung bunso, titiklop na yung nanay,” lahad ng TV host.

Patuloy pa niya, “Bullying a 13-year-old dahil sa tingin nila bakla siya. Utang na loob naman. This is 2021. We are living in 2021.

“Nakakahiya mang aminin pero siya ang gumagawa ng lahat ng paraan para lang gumaan yung mga problema ko at para mapaligaya niya ako.

“Hindi nila fault that they cannot count on their fathers, hindi nila choice na ang nanay nila, ang apelyido ay Aquino, hindi nila kasalanan that the lies about my family will continue until history gets completely re-written,” ang pagtatanggol pa ni Kris sa mga anak.

 

READ MORE:

Create new memories at home with the perfect partner for unlimited home entertainment

 

https://preen.ph/120896/80s-90s-makeup-trends-comeback-ever-bilena-38th-anniversary

 

https://www.scoutmag.ph/news/internet/how-to-spend-qt-with-your-ride-or-die-internetcore-style-jeloug-20210309

 

 

 

Read more...