True ba, John Lloyd ima-manage na ni Maja? | Bandera

True ba, John Lloyd ima-manage na ni Maja?

Reggee Bonoan | March 21,2021 - 07:12 PM

“HOW  well do I know my jowa?” Ito ang title ng bagong vlog “Meet Maja” YouTube channel kung saan nakasama niya ang boyfriend na si Rambo Nunez.

Ito ang most requested topic ng 1.2 million subscribers ni Maja para raw malaman nila kung gaano niya kakilala ang lalaking gusto niyang makasama sa habambuhay.

Dapat ay magkapareho sila ng sagot sa mga tanong ni Rambo.

Unang tanong, ay “where I was born?” at parehong CDO (Cagayan de Oro) ang kanilang sagot.

“Parang hindi ka sigurado sa sagot mo?” tanong ni Rambo sa jowa niya.

“Ang haba kasi ng sulat mo kaya tinantiya ko bakit ang haba ng sulat niya?” palusot ni Maja.

Ikalawang tanong, “what is my middle name?” Pareho ulit sila ng sagot — “Nunez” ang surname ng mama ni Rambo.

“Yan ang ginagamit ko kung makikita n’yo sa vlog ko, kung bakit pang ano ‘yan, MMK,” esplika ni Rambo.

Ikatlong tanong, “what was my course in college?”

“Hala guys kahit itanong n’yo si Kerby nalilimutan ko talaga ‘yung sa kanya,” palusot ulit ng aktres.

In fairness alam naman pala ni Maja dahil pareho sila ng sagot, “Consular and Diplomatic Affairs.”

Pang apat na question, “what is my favorite genre of music?”

Ang sagot ni Rambo ay R&B at si Maja ay R&D, aniya typo error lang daw.

“R&B ‘yun, ‘wag kayong ano,” nanlalaki ang mga matang sabi ng aktres.

“What is my favorite color?” ang pang limang tanong ni Rambo.

Ang sagot ni Rambo ay green, orange at blue habang si Maja ay green at blue. “Wala kang orange no? Least mo ‘yan,” sabi niya sa jowa.

“Hindi gusto ko lang orange,” sabi naman ng binata.

“Food or fruit that I don’t like to eat?” ang ikaanim na tanong ni Rambo at pareho sila ng sagot, banana.

“Nasusuka kasi siya diyan, parang pag kakainin niya napapaano siya (muwestrang nasusuka),” paliwanag ni Maja.

“What is my go to alcoholic drink?” ang pangpitong tanong at pareho sila ng sagot na beer.

Ikawalong tanong, “ano ang usual reaction ko kapag galit ka na?” Tahimik at massage ang sagot ni Rambo, si Maja naman ay drawing na mukha at naka-zipper ang bibig ng jowa.

“Galing magpalusot, ah,” sabi ni Rambo.

“Hindi ito nga yung bibig, naka-zip.  Hilig talaga naming magdebate na dalawa,” sabi ng aktres.

“What food I’m allergic to?” ang sunod at ikasiyam na tanong. “Meron ba? Si Ate (ni Rambo) lang ang meron, ikaw wala,” palusot ulit ni Maja.

“Bakit ako may sinusulat?” sagot naman ng binata.

“Meron ba?” naguluhang tanong ni Maja. “Bahala nang matalo, alam ko wala, go.”

At pagharap ng white board ay parehong “wala” ang sagot nila. Hirit ng aktres, “Siyempre sinulat mo wala, pinaisip mo pa ako.”

Pang-10 tanong, “What I’m afraid of (fear)?” At pareho silang sagot na snake.

Ikalabing-isang tanong, “what’s a sign that I’m already jealous?” “Hirap mong pagselosin. Ha-hahaha! Meron kang sinagot?” tanong nito kay Rambo.

At ang sagot ng boyfriend niya ay “none.”

“Nakakainis ka, wala naman talaga,” iritang sagot ng dalaga.

‘Na-trick na kita,” sabi naman ni Rambo.

Ika-12 tanong, “saan ako may kiliti?” “None” ang sagot ni Rambo at “paa” naman ang sagot ni Maja kaya nagdedebate na sila.

“Hoy may kiliti ka sa paa kapag minamasahe kita,” tumaas ang boses na sabi ng aktres.

“Wala ah, try mo. Sinong minasahe mo?” balik-tanong ni Rambo.

“Okay fine! Ito kasi bihirang magpakita ng emosyon. Kainis masyadong pa-bad boy ang dating (make face),” pahayag ng dalaga.

Parehong kili-kili ang sagot nila sa tanong kung paano nangungulit si Rambo sa girlfriend niya.

“What is my biggest insecurity?” ang ika-14 na tanong at parehong “none” ang sagot nila.

“Gaya-gaya ka sa sagot kong wala. Ang galing pa ng acting niyang kunwari mayroon siyang sinasagot, “‘Artista rin ‘tong jowa ko, eh,” nakangiting sabi ni Maja.

“What was the first movie we watch together?” “Nu’ng nagkabalikan ulit?” tanong ng aktres. “Basta first,” sabi naman ng binata.

“Bahala ka kung nagkabalikan ulit,” saad ng dalaga.

“Naaalala ko 10 years ago ‘yun,” say naman ni Rambo.

“Baka hindi ako ‘yun,” hirit ulit ng Maja. At Bumblee Bee ang sagot nila pareho.

Pareho namang “service” ang sagot nila kung ano ang love language ni Rambo.

                         * * *

Trulili kaya na sina Maja Salvador at Rambo Nunez na ang magma-manage sa career ni John Lloyd Cruz?

Nasulat namin dito sa Bandera noong Peb. 12 na nagtayo ng sariling management company si Maja, ang Crown Artist Management at kasosyo niya ang nobyong si Rambo.

Dapat nga ay si Maja rin ang magma-manage ng karera ni Andre Yllana sa pagbabalik niya sa showbiz pero dahil may mga inaayos pa noon ang aktres kaya napunta na ang binata sa Viva Artist Agency.

Sa kasalukuyan ay hindi pa sinasabi nina Rambo at Maja kung sinu-sino ang pool of artists nila dahil sa Abril pa nila ito ipakikilala sa media.

Pumutok ang balitang ito nang may magtanong kay JLC na dating taga-Star Magic kung sa talent management ng ABS-CBN pa rin siya magpapa-manage at nasabi nga nito na sina Maja at Rambo na ang hahawak ng karera niya.